Chapter 13

125 7 0
                                    

Sabi nila kung sino pa yung taong hindi masyado malapit sayo, sya pa yung madali mong mapatawad at kung sino naman ang taong mahalaga sayo sya pa yung taong hindi mo agad mapatawad.

Siguro kaya madali natin mapatawad ang taong hindi malapit sa atin ay dahil hindi nila tayo nasaktan ng sobra.

At kaya naman hindi natin agad mapatawad ang taong mahalaga sa atin ay dahil hindi natin inaasahan na sila ang makakagawang ganong klaseng bagay sa iyo.

"Wala talaga akong balak na seryosohin ka noon" Panimula ni Jett at napangiti naman ako ng mapait. Masakit na marinig galing sa kanya ang salitang iyon.

"Pero ako mismo, kinain ko ang sinabi ko. Akala ko hindi ako magkakagusto sayo. Bawat araw excited akong makita ka. Kung alam mo lang, ayaw na kitang pakawalan noon pero tuwing naiisip ko na niloko at ginamit kita noong una, nilalamon ako ng konsensya. Pinapamukha sakin ng konsensya ko na hindi kita deserve, na hindi ako nararapat para sa iyo kaya nabuo sa utak ko ang desisyon na makipag hiwalay sayo. Itinanggi ko sa sarili ko na mahal na mahal na kita, itinanggi ko rin iyon sa iba at iyon ay nung nahuli mo kaming magkausap ni Van." Mahabang paliwanag nya at huminga ng malalim. Kahit madilim dito sa loob ng kotse nya, kitang kita ko ang pagsisisi sa mukha nya at ang sakit sa mata nya.

"Hindi ko alam ang gagawin ko noon, wala akong mukha na maiharap sayo pero ako ang may kasalanan kaya dapat ko iyong pagbayaran. Hinanap kita pero hindi kita makita kaya nag decide ako na bigyan ka ng space. Nagtrabaho din ako para pag nagkita ulit tayo, may maipagmamalaki na ako." Napangiti ako dahil mukhang proud na proud sya sa sarili nya ngayon.

"Noong nabalitaan ko na nagtatrabaho ka sa kompanya, umuwi agad ako at iyon ang unang beses na makita kita pagkatapos ng isang taon. Alam kong mahihirapan akong lapitan ka kaya nagtiis muna ako na tumingin nalang muna sayo." Nagmaneho sya pagkatapos sabihin iyon at hindi naman ako umimik.

Ibibigay ko muna sa kanya ang oras nato para makapag paliwanag.

Maya maya pa ay tumigil kami sa isang park. Bumaba sya at pinag buksan ako ng pinto. Tsaka lang ulit sya nag salita nang makarating kami sa isang bench sa ilalim ng puno.

"Sam, alam kong malaki ang kasalanan ko sayo. Nasaktan kita ng sobra at kahit ilang beses akong magsorry hindi na mabubura non ang sakit na naranasan mo. Alam kong maraming lalaki na mas deserving para sayo pero isipin ko palang na sa iba ka mapupunta, nasasaktan na ako. Hindi ko kayang makita kang masaya sa iba." Tumulo ng kusa ang luha ko pero kung dati ay dahil sa sakit, ngayon ay dahil sa saya.

"Sam, alam kong masyadong mabilis pero handa ako magsisi araw araw bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon." Kinakabahang tanong nya sakin at napapalunok pa.

"Pag tumanggi ba ako anong magiging reaksyon mo?" Seryosong tanong ko. Bumagsak naman ang balikat nya at kitang kita ko ang pag daan ng sakin sa mata nya.

"Masakit pero tatanghapin ko" mapait na nakangiting sagot nya.

"Edi hindi ako tatanggi" sabi ko at napaltan naman ng pagtataka ang mata nya.

"Hindi ako tatanggi dahil ayokong masaktan ka. Tama na yung isang taon na nagsisi ka,nakapag paliwanag kana at okay na ko don. Pinapatawad na kita." Nakangiting sabi ko at napatayo naman si Jett at hinila ako patayo tsaka niyakap ng mahigpit.

"Liligawan ulit kita ah" paalam nya at kinurot ko naman sya sa tagiliran.

"Yakap yakap mo na nga ako tapos nag paalam kapa" singhal ko at humalakhak naman sya.

"Nababaliw ako sayo" bulong nya nanakapag patawa sakin.

------------------------------------------

30 votes mag a-update ako. Labyu guys mwah :*

Epilogue na ang next!

My First Love's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon