Chapter 8

111 6 0
                                    

Minsan may mga bagay na mas mabuting wag nalang alamin para hindi tayo masaktan.

Pero para sakin, mas mabuti pang masaktan ako sa katotohanan kesa sumaya sa kasinungalingan.

TINAGUAN ko sya pagkatapos non hanggang sa matapos din ang graduation. Umuwi ako asa probinsya namin at doon nagtrabaho pansamantala pero napagtanto ko na wala akong kasalanan kaya hindi dapat ako magtago. Bumalik ako dito sa maynila tsaka nag hanap ng trabaho. Kailangan kong patunayan sa pamilya ng tatay ko na hindi ako tamad at umaasa lang sa sustento.

Kaso paano ako neto ngayon? Nagtatrabaho ako sa kompanya ng ex-boyfriend ko. Kung alam ko lang yun nung una palang edi sana napag planuhan ko na kung paano ko susunugin ang building na yun.

OA man pakinggan pero hindi sapat ang isang taon para kalimutan ang isang taon ding pinag samahan.

Bakit kase kailangang saktan ang taong walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka?

Bakit kailangang gamitin ang taong walang ginawa kundi ang tulungan ka?

Bakit kailangang lokohin ang taong walang ibang inisip kundi ang mapasaya at makasama ka?

Bakit kailangang gumawa ng mali kung alam naman ang tama?

Bakit kailangang gawin sakin yon? dahil ba alam nyang may gusto ako sakanya kaya sinamantala nya? Iniisip nya na naging masaya din naman ako? Ganon ba yon? Nga naman..

Hitting two birds in one stone.

Nakinabang ako at nakinabang din sya kaso nga lang ako lang rin ang nasaktan.

My First Love's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon