Ngalay na ngalay na ako habang nakayukong nagtatago dito sa cubicle ni Gem. Hinihintay ko si Jett na dalhin yung pagkain ko ngayong lunch. Sinabi kase sakim ng isa kong katrabaho na sya mismo ang nagdadala non, akala ko kasi pinapadala nya lang.
Maya maya pa ay narinig kong bumukas ang elevator ay may naglakad papunta sa table ko. Namalayan ko yon dahil madadaanan itong cubicle ni Gem bago yung akin.
Nang makalampas sya sa pwesto ko ay dahan dahan akong tumayo.
Napangiti ako nang makita kong dahan dahan nyang nilagay yon doon tsaka nag iwan ng note na hinalikan nya muna bago ilagay sa table ko. Nakangiti kong pinanood sya na nilibot ang mata sa table ko na animoy pinag aaralan ang mga gamit ko.
Dahan dahan akong lumapit sa kanya bago ako nag salita
"Bakit hindi mo nalang ibigay ng deretso sa akin?" Tanong ko at bahagyan naman syang napatalon dahil sa gulat, nakagat ko ang labi ko para pigilan ang tawa.
Unti unti syang humarap sakin. Hindi sya makatingin sa mata ko at nagkamot pa ng batok, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pamumula ng mukha nya hanggang tenga.
Ugh! Why so cute Jett?
"Baka kase hindi mo tanggapin" sabi nya habang nakatungo. Napangiti nalang ako at hindi sumagot.
Nilampasan ko sya tsaka kinuha yung pagkain at sinimulang kainin. Sinulyapan ko pa sya at nahuli ko syang nakangiti habang pinapanood akong kumain. Inalok ko pa sya pero umiling lang sya habang nakangiti parin.
"Namiss kita. Sobra" sabi nya tsaka humila ng upuan at tumabi sa akin.
Namiss din kita, sobra pa sa sobra..
Para kaming ewang dalawa. Naiilang akong sumubo mg kanin dahil sa titig nya sakin, buti nalang at natapos ako ng maayos.
"Tara?" Tanong ko sa kanya at napaltan namanng pagtataka ang mata nyang dark brown.
"Niyaya mo ba akong mag date?" Nakangising tanong nya at napairap naman ako. Walang kupas. Mahangin parin.
"May utang kang paliwanag sakin at mukhang mahaba haba pa yun" sabi ko at sumeryoso naman ulit sya bago ngumiti ulit.
Damn. I miss that smile..
"Tara" sabi nya at sabay kaming tumayo at naglakad papuntang elevator.
Kahit anong dahilan mo Jett, tatanggapin ko..
BINABASA MO ANG
My First Love's Second Chance
RomanceBakit kailangan pa gumawa ng mali kung alam naman ang tama?