"Matunaw yan" pang aasar sakin ni Gem nang dumaan sya sa harap ko at nginisian ako.
Napairap ako tsaka umiwas ng tingin kay Jett at sa mga babaeng katawanan nya. Isang taon na ang lumipas maharot parin ang lalaking to. Tss.
Bat ba to nandito? Bakit ayaw nya doon sa opisina nya? Akala ko ba CEO to? Bat kung umasta parang hindi naman?
"Selos kaba?" Nang aasar ang tonong tanong ni Gem sabay upo sa lamesa ko
"Bakit naman ako mag seselos?" Tanong ko sabay iwas ng tingin
"Kase hindi kapa nakaka move on?" Pilyang tanong din nya kaya napairap nalang ulit ako. Pakiramdam ko magiging expert ako sa pag irap dahil sa kanya e. "Silence means yes" dagdag pa nya
"Silence means manahimik kana nababadtrip nako" singhal ko na tinawanan lang nya. "Bumalik kana nga sa table mo" utos ko sa kanya pero nginisian nya lang ako.
"Ang bitter mo" sabi nya tsaka umalis
7:30 na nung mag out ako sa trabaho. Hindi ako maka alis alis ng parking lot dahil sa lakas ng ulan, dumagdag pa na wala akong payong at walang dumadaang taxi dito.
Wala pang sampung minuto akong naghihintay nang may tumabi sa akin. Natigilan ako ng makilala kung sino iyon.
"Can we talk?" tanong nya pero hindi ako sumagot. "Please" nakatungong dagdag pa nya.
"Busy ako" gusto kong pukpukinang ulo ko dahil sa naging sagot ko. Walang kwenta. Pero iyon lang ang tanging lumabas sa bigbig ko dahil ayoko pa. Tsaka na kapag handa na ako.
"Maghihintay ako" sagot nya.
Humigpit ang hawak ko sa bag ko habang mariing pumikit at nagdadasal na may dumaan na sanang taxi para makauwi na ako pero napamulat ulit ako ng magsalita sya.
"Ihahatid kita" sabi nya sabay kuha ng susi. Napairap naman ako dahil hindi iyon tanong, utos iyon na kailangang sundin.
"Hindi na" pagtanggi ko
"Sam please, kahit ito nalang" matabang nyang sagot tsaka binuksan ang kotse na nasa tabi ko lang pala.
BINABASA MO ANG
My First Love's Second Chance
RomanceBakit kailangan pa gumawa ng mali kung alam naman ang tama?