Chapter 5

122 6 0
                                    

"I'm sorry" sabi nya at humakbang ng isa palapit sakin kaya naman napa atras ako.

"Nawawalan ng kwnta ang salitang sorry pag ikaw ang nagsasabi" Diretsong sabi ko na nakapag patigil sa kanya.

Pigil ang hiningang nilampasan ko sya pero nag salita ulit sya na ikinatigil ko naman.

"Lagi mo nalang ba akong tatakbuhan?" Pagod na tanong nya kaya humarap ulit ako sa kanya. Kitang kita ko ang pagod sa mata.

Kung gaya lang sana tayo ng dati, niyakap na sana kita at pinagpahinga..

"Anong gusto mong gawin ko? Manatili sa tabi mo?" Pabalang pero basag ang boses na tanong ko pabalik.

"Makinig ka muna please" sabi nya at lumapit sakin kaya napa atras ulit ako at mapait na napangiti.

"Ano pa bang pakikinggan ko sayo? E narinig ko na noon lahat ng dahilan mo!" Humihikbing sabi ko. "Alam mo bang dahil sayo pati pagiging matalino ko konaiinisan ko na? Alam mo kung bakit? Kase kung bobo ako hindi mo ako magagamit, at pag hindi mo ako nagamit edi sana hindi ako nasaktan!" Dahil sayo pati sarili ko kinainisan ko.

"Sam please makinig ka muna" pakiusap nya habang lumalapit sakin ng mabagal.

Mapakla akong napatawa tsaka sumeryoso.

"Ang makinig sayo ang pinaka malaking pagkakamali na nagawa ko" sagot ko bago sya tinalikuran.

Bakit ganito ang tao sa mundo? Gagawa ng pagkakamali tapos mag papaliwanag?

Akala ba nila pag narinig ng taong nasaktan ang paliwanag nila mawawala na ang sakit na nararamdaman nila?

Saa nga ganon nalang. Sana nga pag narinig ko ang paliwanag nya mawala ang lahat ng masasakit na ala-alang ginawa nya dahil kung ganoon nga iyon, ako mismo ang hahanap at lalapit sa kanya  para hingin ang paliwanag nya. Pero hindi e. Imposibleng mangyari yon.

Pakiramdam ko pag narinig ko ang paliwanag nya, babalik na naman sakin ang mga nagawa nya.

Maaalala ko na naman ang dahilan kung bakit gusto nyang magpaliwanag.

Natatakot ako na kapag naalala ko na naman ang pianag daanan ko noon, hindi ko na kayanin ngayon.

My First Love's Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon