Kathryn's Point of View
It's been a month since umalis ako ng pilipinas. Kinakaya ko naman kahit minsan nahihirapan ako lalo na kapag naglilihi ako sa isang pagkaing wala naman dito pero ang swerte ko kasi may nagpapadala agad as in. Nagtataka na nga ako kung sino yun eh.
"Anak may nagpapabigay" sabay abot sakin ng strawberries. "Fresh from baguio pa yan 'nak" masayang sabi ni Mama.
"Sino nagbigay niyan Ma?" nagtatakang tanong ko.
"Ayaw sabihin nung delivery boy eh" sabi ni Mama
"Sayang naman gusto ko sanang magpasalamat kaso ang mysterious naman" sabi ko
"Aysus kainin mo na lang yan. Ang weird kasi ng mga cravings mo eh sa pilipinas lang lahat mabibili" sabi ni Mama
"Hindi ko rin alam Ma basta na lang naisip ko gusto ko na agad kainin eh tapos pag hindi ko na kuha naiinis ako" sabi ko kaya napatawa si Mama.
Minsan kasi nagustuhan kong kainin yung mangga galing sa pilipinas kaso ang naibigay sakin ni Mama yung dito kaya ayun nainis ako kasi hindi nasunod cravings ko. Ang babaw diba nakakainis lang.
"Ma ganito ka rin ba nung pinagbubuntis mo ako?" pagtatanong ko kay Mama.
"Hindi kasi ako nakaramdam ng paglilihi nung pinagbubuntis kita ewan ko sabi nila may ganun daw talagang buntis yung hindi naglilihi tsaka hindi nakakaranas ng morning sickness" sabi niya
"Unfair dapat ganun na lang din ako para hindi kayo mahirapan sakin Mama" sabi ko sabay yuko. Nahihiya ako kay Mama dahil sa sitwasyon ko ngayon.
Inangat ni Mama yung mukha ko sabay haplos dito. "Anak hindi ako mahihirapang alagaan at gabayan ka habang nagbubuntis ka sa anak niyo ni Daniel. Nanay mo ko kaya kahit anong mangyari nandito ako para tulungan ka. Tandaan mo lagi na nasa tabi mo lang ako hindi ka nag-iisa"
naiyak ako sa sinabi ni Mama."Salamat Mama ah kasi nasa tabi parin kita kahit sinuway namin yung bilin niyo. Sorry talaga Mama" sabay yakap kay Mama.
Oo kinamumuhian ko ang ama ng anak ko pero hindi ko maitatanggi na mahal na mahal ko parin siya sa kabila ng mga binitawan niyang mga salita.
"Sige na kainin mo na yang strawberries mo at magpahinga ka na pagkatapos. Dadalaw daw dito sila Julia" sabi ni Mama
"Really? Kelan sila pupunta dito Ma?" masayang tanong ko
"Bukas pa ang dating nila dito kakaalis lang nila sa pilipinas eh" sabi ni Mama
Umalis muna sandali si Mama dahil may aayusin daw siya sa business namin dito.
Pagkatapos kong kainin yung strawberries ay natulog na lang ako.
Daniel's Point of View
"Hello Tita Min natanggap na po ba ninyo yung strawberries?" tanong ko kay Tita Min na nasa kabilang linya.
| Oo natanggap na namin mukhang determinado ka ngang bumawi ah |
"Oo naman po Tita gagawin ko ang lahat mapatawad lang ako ni Kathryn sa mga ginawa kong kagaguhan sa kanya"
| Sana nga'y magtagumpay ka sa gagawin mo Daniel. O sige na diba pasakay na kayo ng eroplano diba kaya ibaba ko na 'to ah. Have a safe flight. |
"Sige ho Tita" hinintay kong ibaba muna ni Tita yung tawag bago patayin yung phone ko.
"Anong sabi ni Tita, Daniel?" tanong ni Juls
"Sana daw magtagumpay ako sa gagawin ko para kay Kathryn" sabi ko
"Halika na kayo tawag na yung mga may flight papuntang London" sabi ni Kats
"Kaya mo yan Par nandito kami ng barkada para sayo" sabay akbay ni Mycko sakin.
"Salamat ah kasi tinutulungan niyo pa rin ako kahit na sinaktan ko ang bunso ng barkada natin" sabi ko
"Tinutulungan ka namin dahil gusto namin maging masaya kayo ni Kathryn dahil saksi kami sa mga pinagdaanan niyo simula una hanggang ngayon. Maayos niyo yan tiwala lang" singit ni Lia
"Daniel try mo kayang tawagan si Kathryn baka sakaling sagutin ka niya" utos ni Daezen.
"Baka hindi niya sagutin Dae eh" sabi ko
"Hindi yan J wala namang mawawala kung tatawagan mo diba" sabi nila
"Pagdating na lang natin sa London" pagsusuggest ko nakaoff na kasi yung phone namin dahil palipad na yung eroplano at bawal ng gumamit ng phone.
Tabi-tabi yung mga lovers kaya ako eto solo flight. Lintek na yan kung hindi ako isa't kalahating gago edi sana may katabi ako at nagsasaya. Umidlip na lang muna ako dahil halos isang araw ang byahe patungong London eh.
"Daniel gising na nandito na tayo" nagising ako sa tapik ni Seth sakin.
Tumayo na ako tsaka ko kinuha yung bagahe ko. Paglabas pa lang namin ng airport malamig na klima agad ang sumalubong samin.
"Ang lamig naman dito, Bebu" rinig kong sabi ni Daezen kay Katsumi.
"Sinabi ba ni Tita Min kung ano ang sasakyan natin? Kasi hindi ko naman alam ang daan papunta sa kanila dahil nakakotse tayo nung nagbakasyon tayo dito noon eh" sabi ni Liza
"Alam ko na ang tawagan na lang natin ay si Kathryn mismo baka kasi alam mo na busy si Tita sa business nila dito" sabi ni Juls sabay tingin sakin.
"Ako na tatawag halata naman ako ang gusto niyong tumawag eh bahala kayo kapag hindi ako sinagot ah" sabi ko nagsingitian naman sila.
Calling babe....
Tatlong ring palang sinagot na niya. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sinagot niya abg tawag ko. Hindi ko parin binabago yung name niya sa contacts eh sa ayaw ko eh.
| Hello! Who's this? | Binura niya nga ako sa contacts niya.
"Hi! Kath, si Daniel 'to gusto sanang itanong nila Julia kung ano daw ba ang sasabihin sa cab para makapunta dyan sa inyo"
| Ah pakisabi na lang na sa cab na sa Bernardo Homes kayo dalin. Alam na nila yun dahil na rin kilala si Mama dito |
"Ah salamat sige sasabihin ko"
| Ah okay sige ibaba ko na. Pakisabi kila Julia mag-ingat papunta yun lang. |
Binaba na niya. Kahit sandali lang yun atleast narinig ko ulit yung boses niya.
"Tara na guys! Sabihin lang daw natin sa cab na dalhin tayo sa Bernardo Homes. Alam na daw kaagad nila yun" sabi ko
Tumango lang sila sakin sabay pumara ng dalawang taxi para samin. Hindi kasi kami kasya sa isang taxi lang eh.
Pagkarating namin sa Bernardo Homes kumatok na muna sila Julia.
Lumabas naman agad si Kathryn. Ang ganda pa rin niya kahit medyo lumalaki na yung tyan niya. Pero nung nakita niya ako naging malamig yung tingin niya.
"SURPRISE!" sigaw nila oo nila lang dahil tahimik lang ako dito sa likod.
______________________________________________________________________________
Author's Note:
| Kumusta ho ang kabanatang ito? Yieee nakita ko sa TV yung PSY Teaser Omg! |
-Margarette
BINABASA MO ANG
Young Parents [ON HIATUS]
FanfictionA KathNiel Fanfiction This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...