YP 32: Happy 1st LA

6.6K 116 15
                                    

Kathryn's Point of View

Nakapagbihis na ako pero yung gwapo kong asawa ayun tulog mantika parin. Mapuntahan na nga lang muna ang baby girl namin. Pagpasok ko naglalaro siya ng ipad niya and yes bago siya mag1 year old marunong na siya maglaro hahaha astig eh tinuruan lang naman ng ama niya.

"Happy Birthday LA namin" bati ko sa kanya sabay kiss sa cheeks niyang mataba.

"Tenkyuuuu Mame" sabi niya habang nagtatatalon sa kama niya with matching palakpak pa.

"You're welcome Anak ko. Halika dali paliguan na kita kasi parating na sila Mama Lola mo at Mommy Lola at dala nila ang isusuot mo mamaya. Excited ka ba LA?"

"Yes Mameeeeeee" tumatango-tango pa siya habang nakangiti.

Habang pinapaliguan ko siya kinakanta niya ang alphabet song kaya naman hindi ko maiwasang mapangiti sa kakyutan ng anak ko.

"Yay finish na baby" binalot ko siya ng towel tapos lumabas na kami at saktong pagpasok naman ni Daniel dito.

"Dadeee! Weee! Dadeee!" lumapit naman si Daniel samin tsaka kiniss si LA sa cheeks tapos humarap sakin ng nakapout.

"Oh bakit ka nakapout dyan?" tanong ko habang binibihisan si LA ng pangbahay na damit dahil mamaya pa naman siya bibihisan ng dress.

"Hindi mo 'ko ginising tapos akala ko iniwan niyo na ako" nakapout parin ang loko.

"Ang OA ng daddy mo 'no LA hahaha" sabi ko kay LA kaya mas lalong nagpout si Danilo ko.

"Maligo ka na nga lang Daniel jusko ah ang arte arte mo" sabi ko sabay kagat sa labi ko para pigilan ang pagtawa.

Nilapitan niya naman ako tapos niyakap ng mahigpit tsaka niya ako kiniss sa lips. Nagsmirk naman ang loko pagkatapos.

"SPG! SPG MAME HUHU" natawa kami pareho sa sinabi ni LA at alam kong sila Kats ang nagturo sa anak ko ng word na 'spg' hahahaha.

"Sorry baby girl" sabay na sabi namin ni Daniel kay Lhexine na ngayon ay nakapout na.

"Nagmana ka sa Mommy mo mahilig magpout nahawa na tuloy ako hahaha--ARAY!" kinurot ko kasi siya sa tagiliran.

"Maligo ka na nga dun" naiinis kong sabi sa kanya nangungulit nanaman kasi.

"Oo na maliligo na po masyado kang highblood eh wahahaha" sabi niya bago tumakbo palabas. Letse talaga ang lakas ng trip ng asawa ko hahaha.

Nag-open ako ng messenger ko at flood lang naman ako ng mga greetings nila sa anak ko. Hindi ko na muna chineck yun dahil pinindot ko yung group chat namin nila Kats.

Katsumi: Happy Birthday LA!

Lester: HBD Les este LA!

Seth: Isang taon na si LA hindi parin naliligo si Mycko.

JC: Oo nga hahahaha!

Mycko: FU Seth! Happy Birthday inaanak!

Kath: Tama na ang pagbati mag-ayos na kayo kasi mag1pm na.

Pagkasend ko nag-out na ako kasi tapos na rin pala maligo si Daniel.

"Nandyan na sila Mama, Misis"

"Tara na" sabay sabay kaming bumaba nila Lhexine at sinalubong naman kami ng yakap nila Magui.

Young Parents [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon