Daniel's Point of View
Masama pakiramdam ko kaya hindi ako sumama sa gala nila ngayon. Naman eh ngayon pa ako nagkasakit nakng.
Bumukas yung pinto pero hindi na ako nag-abalang lingunin dahil sumasakit ulo ko kapag gumagala ako eh.
"Ehem" kabisado ko yang boses na yan kaso baka nananaginip lang ako eh. Paglingon ko si Kathryn nga.
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka ba sumama sa kanila?" tanong ko
"Nandito ako kasi sabi ni Mama bawal akong matagtag so inutos niya na alagaan na lang daw kita that's why Im here and Yeah hindi ako sumama sa kanila kasi nga inutusan ako ni Mama and bawal ako" sabi niya napatango na lang ako. Bumalik na lang ako sa pwesto ko kasi kinikilig ako kahit wala pa siyang ginagawa.
Naramdaman kong umupo siya sa kama. "You need to eat" mahinahong sabi niya.
"Wala akong gana eh tsaka hindi mo naman ako kailangang alagaan eh kaya ko naman baka naabala lang kita" sabi ko
Napag-isipan ko kagabi na I'll give her space.
"Hindi okay lang tsaka wala naman akong gagawin dito eh bukas pa naman yung check-up ko" sabi niya
Humarap ako sa kanya tsaka umupo. Medyo nahihilo ako kaya dahandahan lang.
"Kumain ka na ba?" tanong ko
"Yeah kanina" sabi niya
Buti nga hindi na siya cold eh. Isang linggo narin kaming magkakasama dito at halos nalibot na namin lahat pero sa buong linggong yun sobrang lamig ng pakikitungo niya.
"Ah okay" wala akong masabi eh hindi ko maopen yung topic eh dahil sabi niya kapag handa na akong panindigan sila pero paano nga eh ayaw akong kausapin.
"Ah wala ka bang sasabihin?" nagulat ako sa tanong niya.
"Bukod sa pagkakamali ko wala na eh siguro isa dun yung namiss kita" diretsang sabi ko ngumiti naman siya.
Ngumiti siya! Ngumit siyaaaaaa!
"Explain everything to me kasi naguguluhan ako eh naguguluhan ako kung bakit hindi mo ko kayang mapanindigan" naiiyak niyang sabi. Niyakap ko siya buti at hindi siya kumawala.
"Handa ka na bang makinig sakin? Handa ka na bang pakinggan ang explanation ko, Kathryn?" tanong ko sa kanya habang nakayakap parin. Kumalas siya sa yakap ko tsaka tumango kaya napangiti ako.
"Oo naman handa na kitang pakinggan" nakangiting sabi niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako magsimulang magsalita.
"Nagulat lang talaga ako sa sinabi mo sa akin 2 months ago. Hindi kasi ako handa noong time na yun kaya ko yun na sabi sayo. Kinabukasan pinarealize nilang lahat sakin na mali yung ginawa ko hanggang sa umabot ng birthday mo nag-iisip parin kami kung paano ka kakausapin kaso nalaman na lang namin na umalis na pala kayo that time nawalan ako ng pag-asa na maayos pa tayo pero sabi nila kung gusto ko may paraan kaya tuwing nagcacrave ka tinetext ni Tita sakin" nagpause muna ako at halata sa kanyang nagulat siya sa nalaman niya. "Oo ako ang nagpapadala nung mga pinaglilihian mo at Oo matagal ko nang ginagampanan ang responsibilidad bilang ama pero natatakot akong harapin ka eh kasi alam kong galit ka sakin" sabi ko
Niyakap niya ako sabay ng pagiyak niya.
"Sorry for everything babe hindi ko naman sinasadya eh sadyang nagulat lang talaga ako sa nangyari eh biglaan babe eh Sorry talaga" paghingi ko ng tawad.
BINABASA MO ANG
Young Parents [ON HIATUS]
FanfictionA KathNiel Fanfiction This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...