Kathryn's Point of View
Nakarating na sila Magui dito sa London kaya super excited na akong makabond silang dalawa hihi para ko na rin silang mga kapatid eh.
"Waaaaaaaaaaah! Ate Kath! I miss you!" sigaw ni Magui pagkababa niya pa lang ng cab. Tumakbo siya papunta sakin at agad na yumakap narinig ko namang suminghap si Daniel haha.
"I miss you too baby girl. How are you?" tanong ko
"Im fine Ate naeexcite lang akong magliboy dito sa London hihi" sabi niya kaya napatawa ako. Lumapit naman si Lelay sakin at yumakap kaya niyakap ko siya pabalik.
"I miss you po Ate Kath" bulong ni Lelay habang magkayakap kami.
"I miss you too princess" sabi ko kay Lelay. Princess ang tawag ko sa kanya kasi sabi niya gusto niyang maging princess.
"Tama na yan mga kapatid ano po. Pwede ipasok niyo muna yung mga bagahe niyo bago kayo mangulit kay Kathryn" inis na sabi ni Daniel sa dalawa niyang kapatid kaya napatawa kaming dalawa ni Tita Karla.
"Ang possessive mo naman baby bubut" sabi ni Tita Karla na mas kinainis ni Daniel hahaha. Ayaw niyang tinatawag siyang baby bubut kasi daw hindi na siya bata.
"Mama!" inis na sigaw ni Daniel galing sa loob ng bahay namin.
"Hindi ka naman kinukulit ni Danilo? Baka mamaya sumasakit na ulo mo dahil sa kanya at manganak ka bigla" sabi ni Tita
"Hindi naman masyado Tita kaya ko pa naman ihandle ang kakulitan niya" natatawang sabi ko kay Tita habang papasok kami sa loob.
"Hindi naman ako sobrang makulit eh" nagtatampong sabi ni Daniel na nasa tabi na pala namin. Mukhang talaga siyang mushroom basta basta na lanh sumusulpot.
"Oo na hindi na tsaka wala naman akong sinabing sobrang makulit ka sinabi ko lang kaya ko pa ihandle kakulitan mo" sabi ko habang nagpipigil ng tawa. Ang cute kasi niya eh parang ang sarap pingutin ng ilong niya. Ang tangos!
Hindi ko alam pero bigla kong pinindot yung ilong ni Daniel kaya nagulat din silang dalawa ni Tita Karla sa ginawa ko pati ako eh. Nasaan na kaya sila Magui? Nahihiya na ako dito huhu.
"Bakit bigla-biglang namimindot ka dyan ng ilong? May ilong ka naman eh" sabi ni Daniel na kinatawa ko.
"Ang damot naman neto eh sa nagagandahan ako sa ilong mo parang ang sarap pingutin eh" seryosong sabi ko bago umalis sa harapan nila. Pupuntahan ko na nga lang sila Magui.
"Anong nangyare dun?" rinig kong tanong ni Tita Karla kay Daniel.
"Hindi ko alam Ma eh kapag nalaman ko sabihin ko sayo ah" sagot naman ni Daniel. Loko talaga 'to ramdam ko mababatulan yun haha ang kulit eh.
"Hi Ate Kath" bati agad ni Magui at Lelay pagpasok ko sa room nila.
"Hello girls! Gusto niyo maglibot dito? Kahit sa mall lang tayo. Bawal kasi akong matagtag eh" pagsusuggest ko halata kasing naiinip sila dito eh. Buti nga wala silang jetlag eh kaya okay lang na maglaboy kami.
"Sige Ate Kath magpapalit lang kami ng damit then alis na tayo hihi. I'm so excited!" sabi ni Magui
"Me too Ate Kath hihi" sabi ni Lelay
"Sige magbibihis lang din ako ah tsaka ipapaalam ko kayo kay Tita Karla" sabi ko nagtanguan lang sila kaya lumabas na muna ako ng room nila.
BINABASA MO ANG
Young Parents [ON HIATUS]
FanfictionA KathNiel Fanfiction This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...