YP 20: New Year

7.6K 133 9
                                    

Kathryn's Point of View

Nandito lang kami sa loob ni LA. Hindi kasi kami pinayagan ni DJ na lumabas eh. Masyado daw mausok at baka magkasakit kaming mag-ina niya.

"Hon! Madaya ka naman eh. Ikaw nasa labas tapos kami ng anak mo dito lang sa loob ng kwarto" sabi ko sabay pout. Mabilis naman niya akong hinalikan sa labi. Pervert!

"Hon, health niyo ni LA ang iniisip ko kasi baka magkasakit kayo kapag lumabas kayo eh. Syempre maninibago pa dahil kakauwi lang natin" sabi niya pero ako eto inirapan lang siya. Isang oras na lang kasi magbabagong taon na tapos kaming mag-ina nasa loob lang.

"Magmamask na lang kami" sabi ko ulit sabay taas ng dalawang face mask ko.

"Ang kulit naman talaga ng Hon ko eh. Sumilip ka na lang sa bintana para makita mo o kaya sa veranda kayo ni LA" sabi niya

Mahirap talagang pilitin si Danilo huhu. Masyadong strict eh.

"Anong pinagkaiba ng veranda sa labas ng bahay? Malalanghap parin namin ang usok so sa labas na rin kami" sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Lovebirds! Mamaya na kayo magsolo haha malapit ng magcountdown baba na daw sabi nila Tita" pangiistorbo este pagtawag samin ni Juls.

Kinarga ni Daniel si LA tapos sabay kaming bumaba. Hindi ko parin siya nakukumbinsi hay!

"Bakit nakasimangot 'yang nanay ni LA?" rinig kong tanong ni Kiray kay DJ.

"Hindi ko kasi pinayagan na sumama satin sa labas mamayang 12" sabi ni Daniel kay Kiray.

"Ah kaya nagtatampo" sabi nito tsaka kinuha si LA kay Daniel.

Sumalampak ako agad sa upuan tapos nagcheck na lang ng social media accounts ko.

@bernardokath: New Year 😏

Alam kong makikita agad 'yan ni Daniel kasi nakaon notifications ko sa account niya. Bahala siya dyan ang daya daya niya.

Bumigat yung inuupuan ko so it means may tumabi sakin at si shomba yun hahaha joke lang si Daniel malamang. Paulit-ulit niya akong hinuhug tapos pinipisil din niya ang ilong ko.

"Hon, Baby, Bi, Babe, Misis naman eh pansinin mo ko" sabi niya.

"Sige papansinin kita in one condition" sabi ko sa kanya sabay smirk. Nakita kong napalunok siya agad haha mapapapayag ko rin 'to hahaha.

"A-ano?" nauutal niyang tanong. Mautal ata ako hahahaha syempre mas gusto niyang pansinin ako at sundin ang condition ko.

"Papansinin kita kung papayagan mo na kaming lumabas ni LA mamayang alas dose" sabi ko sabay taas baba ng kilay. Bumalik muna ako sa pagtitwitter habang hinihintay siyang sumagot.

"Ang kulit mo talaga tss" sabi niya tapos tumango din naman.

"Yay! Wala ng bawian bleeh" sabi ko sabay punta sa pwesto nila Kiray kung nasaan ang anak ko.

"Waaaaah nilalamog niyo ang baby girl ko huhu" sabi ko pagkalapit ko. Minamasacre nila ng halik huhu.

"Ang OA mo Kathryn Chandria hahahahaha hindi naman namin nilalamog eh" sabi ni Liza

Inirapan ko naman sila tapos mag-sasalita na sana kung hindi lang ako binuck hug ng lalaking mahal ko. Cheesy!

"Excuse lang girls hiramin ko muna ang mag-ina ko ah magbibihis kasi kami" paalam ni Daniel sa mga bruhang 'to. Nagsi-tanguan naman sila at nagiritan pa.

Umakyat naman kaming tatlo sa taas at inabot ni Daniel ang t-shirt na halatang pinagawa pa niya.

Daniel's Point of View

"Ang cute niyo" sabi nila Kiray tapos ang boys naman nagthumbs up pa sakin.

"Picture kayo dali..smile!" sabi ni Lia habang nakaready na ang DSLR niya. Pagkaclick niya ngumiti muna siya bago ipakita samin.

"Perfect!" sabi nila sabay palakpak pa. Hinapit ko naman si Kathryn at kiniss sa cheeks. I'm so blessed to have Kathryn in my life.

"Mga dalaga't binata halina kayo sa labas dahil limang minuto na lang ay bagong taon na" sabi ni Manang samin kaya nagsilabasan na kami. Sinuot ko muna kay Kathryn at LA ang face mask bago kami lumabas.

"Mamaya Lester at Kiray tumalon kayo ah with matching bling bling pa para naman tumangkad kayo kahit unti" natatawang sabi ni Kath. Namumula na siya kakatawa at yung dalawang inaasar niya namumula na din....namumula na sa inis hahaha.

"DJ na DJ si Katreng huhu nahawa na siya" sabi ni Kiray

"Ah boss pwede ho bang picturan niyo kami?" tanong ni Kats doon sa dumaang halos ka-age lang namin.

"Sige ho" sabi nito kaya binigay ni Kats ang dslr tapos pumwesto na kami at nagpose. 2 shots lang tapos nagpasalamat kami kay Bossing na dumaan.

"Tag mo na lang kami Kats" sabi ko kay Katsumi.

Kailangan na pala naming magplano ni Kathryn para sa kasal namin. Goal ko ay sa May 25 kami ikasal para bago magpasukan eh Padilla na talaga siya. Hassle kasi kung sa anniversary namin gawin eh 1 month from now na yun.

"2 minutes na lang guys" sabi ni Dae at kumuha na kaming lahat ng lusis para saktong alas dose eh masindihan namin. Ako ang may kalong kay LA kasi ayokong mahirapan si Kathryn ko eh.

"Babe sabay tayong tumalon pag12 na ah" malambing na sabi niya sakin. Mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to at pinagsisihan kong nasaktan ko siya.

"Opo sabay tayo nila baby girl" sabi ko sa kanya at kiniss ang tuktok ng ulo niya.

"Waaaah Daniel pahiram muna si Kathryn sandali" sabi ni Juls sabay hila kay Kathryn. Hindi pa nga ako sumasagot eh.

"Bagong taon na bagong taon nakasimbakol ka dyan" sabi nila Seth sakin.

"Hahaha Kuya ibabalik naman sayo si Ate Kath eh you're so selfish hihi" sabi ni Magui at tumakbo agad palayo sakin.

3....2....1.... *BOOM!*

"HAPPY NEW YEAR!" sigaw naming lahat at nagtatatalon.

Lumapit sakin si Kath at hawak kamay kaming tumatalon habang karga ko si LA. Mahina lang naman kaya hindi maalog si baby girl.

"Tapos na ang isang taong kasama ka and I'm happy na tayo parin hanggang matapos ang taong 2014" sabi ko at niyakap siya.

"Isang taon na naman ang nakaraan at sobrang masaya ako na magkasama parin tayo babe ko" sabi niya at kiniss kaming dalawa ni LA sa noo.

"Happy New Year Babe" sabi ko at hinalikan siya kasabay ng tunog ng fireworks.

Kinuha ko ang cellphone ko sa pocket ng pants ko at nagpost sa instagram namin nila Kath.

@padillaKDL: Happy New Year!!
instagram.com/padillakdl
(A/N: Imagine: Nakakiss pareho si Kath at Daniel kay LA sa cheeks)

"I love you babe"

"I love you too"

______________________________________________________________________________

Author's Note:

| 11 days na lang before matapos ang month ng May and I still have 11 days to revise this story. I hope masunod ko ang deadline. I already decided na hanggang 50 chapters lang 'to haha. Have a nice day. 1000 words every update is it okay? Hanggang doon lang keri ng utak ko haha. |

-Margarette

Young Parents [ON HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon