Daniel's Point of View
"BRADER! Gumising ka na kung gusto mo pang maayos ang gusot na ginawa mo" nagising ang buong diwa ko dahil sa sinabi ni Seth.
"Dalian mo na Daniel! Ikaw din baka mawala pa siya sayo" sabi ni Mycko.
"Sandali maliligo lang ako ah!" pagmamadali kong sabi sabay mabilis na pumasok sa banyo.
Siraulo ako dahil sa mga sinabi ko sa kanya nung isang linggo. Nabigla lang ako dahil sa nalaman ko kaya ko na sabi yun. Gagawin ko ang lahat mapatawad lang niya ako lalo na't birthday niya ngayon. Hay! Imbes na nagsasaya kami eto parehas kaming malungkot at dahil sa akin yun.
"Ireready na namin yung sasakyan mo ah! Bilisan mo na dyan" sabi ni Kats
Pagkatapos kong magbihis nagmadali akong bumaba. Hindi na ako nakapagpaalam kay Mama dahil sa nagmamadali na rin kami.
"Bakit ba tayo nagmamadali? Hindi naman tatakbo ang bahay nila Kathryn?" nakakapagtaka lang kasi nagmamadali kami eh hindi naman aalis si Kathryn.
"Yung bahay hindi aalis pero si Kathryn aalis na patungong ibang bansa" sabi ni Lester
"Tinotoo ni Tita Min yung sinabi niya kay Kathryn na kung hindi mo mapapanagutan ang magiging anak niyo. Ilalayo niya sila Kathryn sayo" dagdag ni JC
Kusa na lang tumulo ang luha ko dahil sa mga sinabi nila. Paano ko 'to maayos kung ilalayo si Kathryn sakin. Sabagay kasalanan ko lahat eh kung pinanindigan ko sila ng anak ko edi sana masaya kami ngayon.
"Nandito na tayo kaya lang sana nakaabot tayo at sana hindi pa sila nakakaalis" sabi ni Seth sabay labas sa kotse.
Pagbaba namin sa sasakyan sila Julia agad ang nakita namin. Masama ang tingin nila sakin.
"Anong ginagawa mo dito?" masungit na tanong ni Julia.
"Nandito ako para ayusin ang kagaguhang ginawa ko" diretsong sabi ko.
"Bilib din ako sayo Daniel eh naisip ko din na papanagutan mo nga si Kathryn kaso it's too late" malungkot na sabi ni Kiray.
"Paanong it's too late? Nandyan pa sila diba?" sunod-sunod kong tanong sa kanila. Nakita kong lumungkot lalo ang mukha nila.
"On the way na sila sa airport" sabi ni Liza
"Pare mukhang huli na ang lahat" sabi ni Mycko sabay tapik sa balikat ko.
"It's too late, Anak" nagulat ako sa pagsulpot ni Mama sa gilid ko.
"I know Ma pero hindi ako titigil hanggang hindi ako pinapatawad nila Kathryn" determinadong sambit ko.
"Wag puro salita Daniel. Gawin mo at patunayan mo kay Tita Min dahil yung araw na sinaktan mo si Kath doon din yung araw na kinamuhian ka nila" seryosong sabi ni Mama.
"Oo naman Ma gagawin ko ang lahat para sa mag-ina ko" sabi ko sabay ngiting mapait.
Kathryn's Point of View
"Anak halika na kailangan na nating pumasok" sabi ni Mama
Tumango na lang ako at pumasok na kami para magcheck-in. Sabihin na nating tanga ako pero hinintay ko siya baka sakaling habulin niya ako eh kaso pinaasa ko lang ang sarili ko.
"Happy birthday to me" bulong ko sa sarili ko.
Bago magtake off yung eroplano ay nagtweet muna ako.
@kathchandria: I will miss you philippines. Goodbye for now and happy birthday to me.
"Anak, are you okay?" nagaalalang tanong ni Mama sakin.
"Im okay, Im going to be okay Ma" malungkot kong sabi.
"Hayaan mo 'nak makakaya mo yan hindi pa naman huli ang lahat. Pwedeng magbago ang isip ni Daniel at sundan ka niya" sabi ni Mama
"Hahaha imposible naman ata yun Ma eh wag niyo naman akong paasahin" sabi ko sabay tingin sa wallpaper ng cellphone ko. Anniversary namin 'to tapos napakasweet pa man din namin dito.
"Magiging maayos din ang lahat 'nak" sabi ni Mama
Nakakapagod din pala. Siguro kailangan ko din magpahinga kaya itutulog ko na lang 'to. Kakayanin ko para sa baby ko.
Halos isang araw kaming nasa byahe. Nakakapagod din pero okay lang pababa na rin kasi kami ng eroplano.
"Anak isuot mo na yang jacket mo dahil malamig na" paalala ni Mama kaya naman sinunod ko na.
Pagkarating namin sa bahay namin dito nagpahinga lang din kami agad dahil sa jetlag.
@kathchandria: Home *insert room of Kathryn*
Katsumi's Point of View
Magkakasama kami dito sa bahay ni Daniel dahil nagyayang uminom eh. Kawawa naman si parekoy kaso mas kawawa si bunso dahil sa ginawa ng kaibigan namin. Kahapon pa siya ganito ng malaman niyang umalis na si Kathryn.
"Kasalanan ko lahat 'to eh kung naging responsable ako edi sana nagcecelebrate tayo ng kaarawan ng mahal ko" sabi ni Daniel sabay lagok ng Jack Daniels.
"Bebu nakakaawa sila 'no sana maaayos nila yan" bulong ni Daezen sakin.
"Oo nga bebu eh sana maayos nila yan halata namang mahal talaga nila ang isa't isa kaso nagkaroon lang ng problema" sabi ko
Tahimik lang kaming nakikinig kay Daniel. Ngayon lang namin nakita yang ganyang kamiserable eh. Umiiyak siya dahil lumayo na si Kathryn sa kanya. Hay! Sana naman magkaayos pa silang dalawa.
"Tama na yan Daniel kung ako sayo mag-iisip na ako ng plano para mag-kaayos kayo" sabi ni Kiray
"Oo nga tutulungan kami namin but ipromise mo samin na you'll never hurt our friend again" sabi ni Liza
Tumingin kaming lahat kay Daniel. Unti-unti siyang tumango kaya nakahinga kami ng maluwag.
"Nagtweet si Kathryn nandoon na siya sa bahay nila sa ibang bansa" sabi ni Lia sabay pakita samin ng tweet ni Kathryn.
Nagkatinginan kaming lahat na parang alam namin kung ano yung tumatakbo sa isip namin.
"NASA LONDON SI KATHRYN" sabay-sabay na sigaw namin except kay Daniel na tulala.
"Paano kayo nakakasiguro?" malungkot na tanong ni Daniel samin.
"Eh kasi brad yang kwarting yan yung tinulugan natin nung nagbakasyon tayong barkada sa london" sabi ni Seth
"Bukas na tayo magplano inaantok na ako" sabi ni Daniel at humiga na sa kama niya.
"Buti naman makakapagpahinga na si Daniel halos hindi ata natulog yan buong gabi eh" sabi ni Juls
"Oo nga eh lumalaki na yung eyebags niya" sabi ni Lester
It's too late, Daniel pero alam kong gagawin naman niya ang lahat para maayos 'tong problema nila.
_______________________________________________________________________________
Author's Note:
| Sabaw update! Have a great day everyone. Thank you sa mga nag-aadd ng Young Parents sa RL nila.
Dedications is open just comment below or PM me para maayos ko. ~ciao |
Daniel's Twitter: @YPdjpgwapo
-Margarette
BINABASA MO ANG
Young Parents [ON HIATUS]
FanficA KathNiel Fanfiction This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...