Daniel's Point of View
"MISIS BILISAN MO NA MALALATE NA TAYO" sigaw ko sa asawa kong nasa kwarto pa.
"WAIT BABE" sigaw niya pabalik. Ang astig ng convo namin 'no sigawan haha.
One month passed and honestly ang hirap pagsabayin ng school at si LA. Nawawalan kasi kami ng time sa kanya pero every weekends sa bahay lang kami and we will spend our time with our angel.
"Let's go na babe" nakababa na pala ang misis ko eh. Ang ganda talaga eh.
Bago kami lumabas nagpaalam muna kami kay baby la namin. Ang ganda talaga ng anak ko mana saming parehas ni Kath.
"Aalis muna sila Mommy at Daddy ah baby namin. I love you Prinsesa ko" sabay kiss sa noo niya.
"I love you Lhexine" kiniss din ni Kath si LA na tulog sa balikat ni Manang. Maaga pa kasi kaya tulog pa siya. It's 6am for pete's sake ang aga ng pasok namin.
Pinagbuksan ko siya ng pinto bago umikot at sumakay sa driver's seat.
"Babe" nilingon ko siya saglit tapos bumalik ang tingin ko sa daan. Mamaya ko na lang tititigan ang mukha niya her safety first ang priority ko.
"Hmmmm"
"Hintayin daw natin sila Kats sa parking lot" sabi niya
"Hmmm sige po baby" sabi ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Magkaiba kami ng course na kinuha kaya hindi ko siya mababantayan sa mga may balak manligaw dyan. Buti na lang kacourse niya ang girls kaya kampante ako na walang aaligid-aligid sa misis ko.
"We're here" sabi ko at bumaba pagkatapos ay pinagbuksan ko ng pintuan si Kath.
"SWEET NIYO NAMAN" sigaw ng barkada. Nandito na pala sila letse.
"Ingay niyo" inis kong sabi. Ang aga aga malamegaphone ang bunganga.
"Sorry na po bossing" natawa naman kami kay Lester na kunyaring luluhod pa.
"OA much" sabi ni Kath sabay cling sa braso ko.
Hinatid muna namin sila sa building nila bago kami pumunta sa building namin. Papasok na dapat si Kath ng hilahin ko siya sa braso kaya napayakap siya sakin.
"Landi talaga nitong dalawang 'to kahit kailan" rinig kong sabi ni Juls habang natatawa.
"Baby, lumayo ka sa boys ah. I love you misis ko sabay tayo maglunch mamaya" kiniss ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit.
"I love you too babe" kinilig na ako beng.
"Oh tama na yan parang maghihiwalay kayo ng sampung taon grabe" sabay hila sakin nila Kats. Panira!
"Buti na lang talaga parehas tayo ng mga hilig eh" biglang sabi ni Mycko samin.
"Oo nga eh atleast hindi boring sa classroom" sabi ko
"Isang buwan na tayo dito at ang masasabi ko lang sobrang hassle tangna" sabi ni Seth
"Gagi kasi eh yung isang prof natin laging pms eh pucha" inis na sabi ko. Galit ata samin yung matandang prof na yun eh kami lagi tinatawag tapos papalabasin kapag hindi nakasagot.
"Hayaan niyo na malaki siguro problema hahahaha tara nandyan na pala tayo" sabi ni Lester kaya pumasok na kami.
Computer Engineering ang kinuha namin dahil mahilig naman kami dun tsaka madali lang naman siya.
Kathryn's Point of View
Mabilis naman tumakbo ang oras dahil lunch na namin. Grabe ang sakit sa ulo ng mga formula pero keri naman. I really love math kaya accounting kinuha ko pati na rin ng girls.
"Nakakagutom!" sabay sabay na sabi namin ng girls paglabas ng room.
Naabutan namin ang boys na nakasandal sa gilid at pinagtitinginan ng mga babae.
"Babe" tawag ko kaya napalingon siya sakin. Hinapit niya naman ako kaagad tapos hinalikan sa noo. Bawal sa lips baka mapeebeebee teens kami dito eh.
"Namiss kita Misis" malambing niyang sabi. Narinig ko ang impit na tili ng mga babae kong kaibigan.
"Halika na at kumain nakakaumay ang tamis sa dalawang 'to" sabi ni Kats at nauna na silang maglakad sa cafeteria.
Daniel's Point of View
Inaamoy amoy ko lang ang buhok ni Kathryn habang hinihintay yung inorder naming pagkain. Marami na din kasing mga estudyante dito kaya medyo matagal ang serving.
"Nakikiliti naman ako sayo Danilo eh" reklamo ni Misis. Ngumisi lang ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya at nagcellphone na lang.
"Sa semestral break natin guys nagplan ako na magbaler tayo" sabi ni Kath.
"Talaga? Hala gusto ko pumunta dun eh buti na lang naisip mo yun Kath" sabi ni Daezen.
"Sa Carlitos Inn tayo tutuloy by partners na lang ah kasi sa isang room dalawang couple pwede dahil malaki tsaka sakto naman tayo tatlong room lang" sabi ko
"Naeexcite na ako omg" sabi ni Mae.
"Tss" hindi talaga magkasundo si Mar at Kirs siguro dahil awkward sa both side. Kasama kasi ni Les ang girlfriend tapos nandito rin si ex niligawan kaya awkward.
"Sample nga ng kanta sa inyong dalawang matamis" request ni Lia.
"It could be so nice, Growing old with you" pagkanta ni Kath sabay tingin sakin. Tumitig ako sa mata niya bago kumanta.
"I wanna grow old with you" pagkanta ko sabay kiliti sa tagiliran niya.
"Kinikilig kami sa inyong dalawa omg!" halos magiba ang table namin sa dalawang Julia na 'to eh.
"Babe nagtext si Manang hiniram daw nila Mama si LA hanggang bukas daw" sabi ko sabay pakita ng text ni Mama sa kanya.
"Ah okay na rin yun atleast malilibang si LA habang busy tayo sa school" sabi niya pero alam ko malungkot 'yan. Iniisip niya kasi nawawalan na kami ng time sa isa't isa lalo na kay LA.
"Baka magtampo na yun" dagdag niya pa. Kiniss ko naman siya sa cheeks tsaka nginitian.
"Shhh hindi yun baby. Maiintindihan naman ni LA yun kahit baby pa siya eh" sabi ko sabay ngiti. Nginitian niya na rin ako.
I wanna grow old with Kathryn Bernardo.
____________________________________________________________________________
Author's Note:
| Hello there! Napanood niyo ba ang pagnae nae dance ni Kath? OMG hotness overload. May video ako hehe nasa vine siya. I badly need your comments guys! |
-Margarette
BINABASA MO ANG
Young Parents [ON HIATUS]
FanfictionA KathNiel Fanfiction This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's imagination or are used fictiously, and any resemblance to actual persons, living or dead, business establishments...