"Ikaw ang Supremo, ang kinikilalang namumuno ng mga kababayan nating mga Pilipino. Ang mga balak mo ay galing sa nobela ni Ginoong Rizal. Himagsikan, ang tanging solusyon na naiisip mo para tuluyang mapaalis ang mga mananakop na Espanyol. Sa tingin mo ba?Magagawa mo iyun? Ni hindi ka nga tapos sa pag-aaral. Balak mo pa ang pag-aaklas.", sabi ni Emilio Aguinaldo.
"Tingnan mo ang mga kababayan nating sugatan, napatay at nadakip nang dahil sa mga balak mo. Hindi ka nagtagumpay. Marapat lang na ako ang mamuno ngayon. Mas mapupunta sa maayos ang lahat. Hindi dahas ang laging sagot sa gusto nating kalayaan.", dugtong pa ni Don Emilio.
"Kaya ako pumunta sayo pagkat sugatan kami. Alam kong ligtas ako sa pamamahay mo. Pero hindi ko naisip na sa pagkakataong ito, ikaw ang papalit sakin bilang pinuno. Di hamak na mas matalino ka sakin, mas angat ang estado sa buhay. Di mo maikakaila ang katotohanan, ang puso ng masang Pilipino ay nasa akin parin. Lahat ng bumoto sayo ay mga tauhan mo. Ang mga bumoto sakin, yung mga taong hindi ako iniwan kahit kailanman.", ang nasabi ni Andres.
Sugatan si Andres at ang kanyang mga kasamahan nang puntahan nila si Don Emilio. Wala silang pwedeng puntahan maliban sa bahay nito. Sinamantala ng iba ang sitwasyon at tumalaga ng bagong pinuno. Ano nga ba ang laban mo sa dami ng bilang na bumoto kay Don Emilio. Hinayaan na lamang ni Andres ang lahat. Hindi pa nanunumbalik ang kanyang lakas.
Hindi matanggap ng mga kasapi ng Katipunan ang sinapit ang kanilang supremo kaya parati silang gumagawa ng paraan para galitin ang mga tauhan ni Don Emilio. Kalaunan, nag-away sila. Hindi naman inawat ni Don Emilio ang dalawang grupong nag-aaway. Si Andres naman, patuloy sa pagpapagaling.
Isang gabi, nagising si Andres sa putok ng baril na narinig nya. Ganuon na lang ang gulat nya ng matagpuan ang sarili sa hindi pamilyar na lugar. Nasa tabi nya ang kapatid na si Proporcio. Bakit nga ba sya nanduon?
"Mga wala kayong silbi", sabi ng pamilyar na boses.
Sinilip ni Andres ang pinagmumulan ng boses. Nakita nya si Emilio Aguinaldo kasama nito ang kanyang mga tauhan.
"Bakit ba sya parin ang hinahanap nyo? Ako, hindi nyo ako kinikilala bilang pinuno nyo.", sabi ni Don Emilio sa mga kausap.
Duon napagtanto na mga katipunero ang kausap ni Emilio Aguinaldo. Ito ang mga katipunero sa ibang mga lalawigan na maswerteng nakaligtas.
"Sa oras, malaman ng espanya na ako na ang mamumuno sa bayan na ito. Magiging maayos na ang lahat. Mapipirmahan na ang kasunduan na makakalaya na tayo. Wala ng gulo.", sabi ni Emilio Aguinaldo.
"Kailangan lang natin ng tamang panahon. Hindi tayo tutulad sa mga naghihimagsik. Sinasayang lang nila ang mga buhay nila. Dapat lamang ay maayos na pakikipag-usap.", sabi pa ni Emilio Aguinaldo.
"Hindi basta makikinig ang Espanya sayo. Hindi sila papanig sa atin." sabi ni Emilio Jacinto, ang utak ng Katipunan.
"Nagkakamali ka. Kailangan lamang natin makipag kasundo sa kanila. Wala tayong laban sa kanila kaya mabuti pang makipag kaibigan tayo sa kanila. ", diplomasyang sabi ni Don Aguinaldo
"Hindi papayag ang Supremo sayo.", sabi ni Chito(isang katipunan din)
"Anong magagawa nya?" Wala.. isa lamang syang sagisag ng walang kwentong rebolusyon. Aanhin mo ang isang laban na walang kasiguraduhan." , sabi Don Aguinaldo.
"HANGAL!", bilang sabi ni Andres Bonifacio na nagpakita kay Don Emilio Aguinaldo.
"Aba! Andito ka lang pala. Kanina ka pa pinaghahanap ng mga tauhan ko." , mala-dimenyong ngiti ang iginawad ni Don Emilio Aguinaldo
"Matalino, Mayaman, Matatag, yan ka.", sabi ni Andres Bonifacio.
"Sakim ang puso nya, mahal na Supremo. Higit pa sa karangyaan ang gusto. Hangad nya na mamuno , ang maging Presidente tulad ng ibang bansa. May hawak ang lahat ng kapangyarihan.", dagdag ni Chito
Si Chito ang katipunero na may kakaibang abilidad. Kaya nyang hulaan ang kapalaran ng isang nilalang.
"Manahimik ka!", pagkasabi nun humugot ng baril si Aguinaldo at saka nya ito itinutok kay Chito. Kalaunan nilipat nya ito kay Andres.
"Sa dinami-dami ng pwedeng mamuno sa bayan na ito. Bakit ikaw ang gusto nila? Salat ka sa pera at edukasyon. Tanggap ka ng mga tao pagkat busilak ang puso mo sa kanila. Tinutulungan ang mga matatanda, mga bata at mga kababaihan.", sabi ni Emilio.
"Isa lamang ang dapat mamuno sa bayan na ito. AKO YON AT HINDI IKAW.", matapang na saad ni Andres.
"Kahit anong gawin mo, ako parin ang SUPREMO. Ang nag-iisang AMA sa bayan na ito.", matibay na pahayag na Andres.
"HINDI!!!!! ", sa pagkakataong ito pinaputok na ni Don Aguinaldo ang baril.
Agad na humarang si Proporcio kaya ito ang nabaril hindi si Andres.
Nilamon na ng karimlan ang puso ni Don Aguinaldo at galit na galit sya pagkat hindi nya nabaril si Andres. Tumakbo palayo si Andres kasi wala syang dalang baril. Takbo sya ng takbo hawak ang agimat na binigay ng isang matandang babae kanyang natulungan.
Paalala ng matandang babae, gagamitin lamang nya ang agimat sa oras ng panganib. Bumulong lamang sya sa agimat at maliligtas sya sa panganib.
"Hindi pa ko pwedeng mamatay. Hindi pa.", bulong ni Andres sa agimat habang patuloy sa pagtakbo.
________________________________________________________
Sino nga ba si Andres Bonifacio?
Ano ba ang kwento ng kanyang buhay?
Bakit sya ang Ama ng Katipunan?
Bakit naging isa sya sa mga bayani sa kasalukuyang henerasyon?
BINABASA MO ANG
Ang Supremo, Andres Bonifacio
Historical FictionAndres Bonifacio, sya ang ama ng Katipunan at namuno sa pag-aaklas laban sa mga Kastila gamit ang dahas at armas. Para sa kanya, tungkulin nyang ipagtanggol ang Pilipinas base sa pinaglalaban nyang prinsipyo. Yun nga lamang, pinatay sya ng kanyang...