Kabanata 6 : Dahas laban sa ahas

85 0 0
                                    

Kitang kita ni Senyor Andres ang pagkakasunog ng mga kabahayan mula sa labasan habang sya ay naglalakad pauwi. Marami ang nagtatakbo palabas at sumisigaw nang tulong. Nainis sya nang makita ang papaalis na gwardya sibil. Nagtago sya sa malagong puno malapit sa kitatayuan nya. Hindi pa nya lubos na maunawa ang buong pangyayari sa murang edad. Pero ramdam nya ang hirap na pinagdadaanan ng mga kababayan nyang pilit tumatakas sa mapang aping pamahalaan. 


Saglit syang napatingin sa isang apartelle. Halos lahat na andoon ay nakalabas na maliban sa isang silid sa may dulo. Nasa bandang kaliwa. Tila may narinig si Andres na tinig sa kung saan. Ewan ba nya pero parang may pakiwari sya na may nangangailangan nang tulong nya. Nang wala na ang mga gwardya sibil. Mabilis nyang tinunton ang apartelle, sa likod sya nagdaan para hindi na sya hanapan nang kung anu-anong dokumento o papeles. 


Palibhasa marunong syang umakyat nang puno. Mabilis nyang naakyat ang apartelle kahit sobrang kitid ng hagdan nito sa likod. Nakita nya sarado ang pinto. 


"Pina, anong gagawin natin?", narinig ni Andres ang tinig na kilalang kilala nya.

"May awa ang diyos, makakaligtas tayo.", sabi pa ng isa 


Agad na humanap nang gamit si Andres. Wala syang makita. Ubos lakas nyang tinadyakan ang pintuan sa pinakadulo. Ilang beses nya itong tinadyakan, hanggang sa masira. Gulat na gulat ang kanyang ina pagkakita sa kanya. Wala na silang panahon kailangan na silang umalis. Nakababa na sila bago lamunin nang apoy ang buong apartelle. 


______________________________________________________

Nang makauwi na sila Andres sa pansamantala nitong tinutuluyan. Ganon na lamang ang tuwa at sabik na makita ni Kakai ang iba pa nyang mga anak. 

Dali dali naman na kumuha nang mga damit si Andres at inabot ito kay Josefina. Marungis na kasi ang suot nitong saya sa kanilang pagmamadaling makauwi. Nangiti naman si Josefina. 

"Tama ngang Andres ang ipangalan sayo. Napakabuti nang puso mo.", sabi ni Josefina sa kanya

Di nagtagal, sunod sunod na katok ang narinig nila mula sa labasan. Tiyak na pinto nila ang kinakatok. Hindi sila agad nakakibo sa pagkabigla. Nakarinig sila nang mga hakbang tila mahigit sa tatlo ang nasa labasan. 

"Shh...................", sumenyas si Andres na walang gagalaw sa mga kasama nya. 

Dahan dahan nyang nilapitan ang lampara at pinatay ang sindi nito. Nang mga oras na yun, para bang walang nagtangkang kumilos maski ang huminga. 

Hindi nagtagal, sunod sunod na putok nang baril ang narinig nila. Natakot si Kakai na nagdadalang tao nang panahon na iyon. Niyakap sya nang kanyang kaibigang si Josefina. Ang mga magkakapatid naman maliban kay Andres ay nagsiupuan sa sahig at tinakpan ang kanilang mga tenga. Si Andres naman ay nakikiramdam sa mga mangyayari. 


______________________________________________________-

Kinabukasan, natagpuan nila ang kanilang mga sarili na nakahiga sa sahig. Kinapa nila ang kanilang mga sarili. Buhay pa nga sila. May puso pa sila at kaluluwa.  Wala sinu man ang gustong lumabas. 


Kakaba kaba na tumayo si Andres. Tinunton nya ang pinto. Nag bilang sya nang UNO DOS TRES QWATRO SINGKO SAIS SYETE OTSO NYEBE DYES. Matapos magbilang saka nyang unti unting binuksan ang pinto. Wala naman syang nakitang kakaiba. Nakangiti nyang sinalubong ang umaga. Naglakad sya palabas. Sa kanyang paglalakad, may natapakan sya. Upos nang sigarilyo. 


Ganon na lang ang takot nya nang makita ang nakahandusay na lalaki katabi nang upos nang sigarilyo. Nakataob ito. Tinulungan nya ang lalaki pero patay na ito. May ilang tama ng baril sa kanyang dibdib. At ilang beses din na hinampas sa ang kanyang noo sa isang matigas na bagay kaya pumutok ito at puro dugo. 


Naiiyak tuloy sya sa kanyang nakita. Kumuha sya nang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang mga dugo sa mukha nito. Nakilala na nya kung sino ito. Si Karlo, ang katiwala nang kanyang pamilya. Ang taong pinagkakatiwalaan nang kanyang ama. 


Binitawan nya si Karlo, para syang mababaliw sa kanyang nasasaksihan. Hindi ito totoo. 


Bago ang pagtitipon, masaya silang pamilya. Naalala nya si Padre Pablo, ang paring makasarili. 

"Sarili lang nya ang iniisip nya sa kanyang paghihiganti. Hindi na nya inisip ang kapakanan nang mga taong inosente, ang mga taong may pamilya. Palibhasa wala syang kinikilalang ama at ina.", pagsasarili ni Andres sa kanyang isipan


"Ayaw mong makuha sa dasal at pakiusap, pwes sa dahas ka nararapat pagkat isa kang ahas. Nakakalason ang iyong paghihiganti sa yong ama." at tila malalim na ang iniisip ni Andres na hindi na nya namalayan na may bahid dugo na ang kanyang damit habang naglalakad sa mahabang mga tindahan ng prutas. 


May bilanggo na nakatakas at hinahabol na sya ng mga gwardya sibil. Nakita ito ni Senyor Andres. Nagsipag alisan ang mga tindero na mga intsik sa takot na madamay sa bilanggo na nagtatakbo palayo. 


Sinadya nyang matamaan ang mga prutas at nalaglag ito sa lupa. Eksakto naman na paparating ang mga karuwahe sa daanan. Nagwala ang mga kabayo sa ingay at sa naramdaman nilang nalalaglag na mga prutas. Nahirapan tuloy na mahabol ng mga gwardya sibil ang bilanggo. 


Ang bilanggo na tumakas ay mabilis na nakapagtago sa mga malalagong puno. Nang makatyempo ay inakyat nya ito nang mabilis. Walang nakapansin sa kanya maliban kay Senyor Andres na ang paningin ay kasing bilis nang isang agila. 


Nang matapos ang kaguluhan, bumalik na sa dati ang mga tindero. 


"Nagsisimula pa lamang ang lahat.", makikita ang pangiti nang bilanggo habang tinitingnan ang iba pababa. 












Ang Supremo,  Andres BonifacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon