KABANATA 3: POOT

47 0 0
                                    

Nang makita ni Tinyente Santiago ang dating pari na si Padre Tino sa kanyang opisina. Ganun na lamang ang galit nya pagkat isang madre ang hinalay nito isang taon nang nakakaraan. Imbes na makulong ito, tinanggal na lamang ito sa simbahan at hindi na pinahintulutang maging pari. Wala syang magawa dahil yun ang hatol ng HARI NG ESPANYA. 

"Magandang umaga, Ginoong Tino. Naparito ka.", pagkasabi nun nakita nya ang duguan nitong mga kamay. Hindi nagsasalita ang kaharap, tulala lamang ito.  "Amor, anong bang nangyari at.", hindi natuloy ng Tinyente ang sasabihin. Bumulong kasi ito. 

"Wala na sya sa sariling katinuan. Wala nang saysay kung kakausapin nyo pa.", bulong ni Amor. "Dalhin nyo ang pari na ito sa HOSPITAL DE REAL. Sabihin nyo kinakailangan nya ng agarang lunas.", utos ng Tinyente. "Pero", sumalungat si Amor. "Gamitin nyo ang pangalan ko Santiago Bonifacio para mabilis kayong asikasuhin duon., bilin ng Tinyente. 


__________________________________________________________

Ilang taon ang lumipas, hindi parin napapalitan ang Governador Heneral at Tinyente Heneral sa kani-kanilang mga pwesto. Tanging HARI ng Espanya ang may karapatan tumalaga at magtanggal sa anumang pwesto sa gobyerno. Walang sinu man ang pwedeng lumaban.


Si Padre Pablo ay naging kura paroko ng Iglesia Y San Andres. Lalo pa itong naging tanyag ng gumawa ito ng samahan para sa mga pari. Samahan ito para mapangalagaan ang mga pari hindi lang sa kanyang parokya pati na rin sa ibang parokya. Tunay ngang kahanga-hanga. 


Makikita sa mga pahayagan, ang mga taong naging matagumpay sa kanilang mga larangan. Magkakaroon daw ng isang grandeng pagtitipon kung saan gagantimpalaan ang lahat ng nagtagumpay. 


__________________________________________________________________

Sa bukiran, makikita ang isang batang lalaki na nakikipaglaro sa kapwa nya mga bata. Arnis ang hawak ng mga bata at ginagaya nila ang dulaan na napapanood nila na may mga espadang dala-dala. 

"Senyor Andres, hinahanap na kayo ng inyong ina", ang tawag ng isang lalaking nakasalakot. "Bumalik na po kayo sa mansion.", pagkasabi nun nahinto ang batang lalaki at ang kanyang mga kalaro. 

"O sya cge, mauna kana susunod na ko.", sagot ni Senyor Andres. 

Pagkauwing-pagkauwi sa kanilang mansion. Agad nyang nakasalubong ang kanyang ina na palakad lakad sa salas.

"Buti naman at andito kana. Bilis.", pagkasabi nun. Dali-daling dumating ang mga mutsatsa para bihisan ang batang lalaki. "Ilang oras na lang at darating na ang Tinyente.", sabi ng kanyang ina. 

Pagkatapos nyang bihisan. "Kay gwapo naman ng panganay ko.", sabi ni Kakai na tuwang tuwa sa itsura ng kanyang anak. "Dapat siguro maisalarawan ka. Bihira lamang ang ganito", dugtong ni Kakai. Agad na kinuha ng mga mutsatsa ang kamera na talagang binili ni Catalina sa isang negosyanteng Instik. Iilan lamang silang may ganuong gamit, gamit na may maharlika lamang ang nakakabili. 


"Hindi ako gwapo, hindi rin ako matangkad, medyo sunog ang balat, sungki ang mga ngipin at payat. Kaya huwag mo na akong lokohin. Nay huwag na", sabi ni Senyor Andres. "Anak ka namin ni Santiago, ikaw ang una kaya naman gandang lahi diba?", saad ng senyora. 


Walang magawa ang senyor Andres kundi magpakuha ng larawan tulad ng gusto nang kanyang ina. Nakatayo sya nang tuwid. Walang galaw galaw para syang sundalo sa kanyang tindig. Masakit sa mata ang bawat kislap ng kamera. Hindi sya ngumingiti pagkat alam nya hindi sya gwapo. Pilit na inaalis ang laso sa kanyang leeg na aayusin ng kanyang ina. Ang dami na nyang kuhang larawan pero hindi tumitigil si Karlos, tagubilin ng pamilyang Bonifacio.

Ang Supremo,  Andres BonifacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon