"May nakapasok sa simbahan kagabi", bungad ni Padre Kiko na dahan dahang kinuha ang nilutong tinapay. "Aba'y sino yan? Nakakandado ang pintuan nang simbahan. Paanong?, sunod-sunod namang urirat ni Padre Mariano na halatang tsismoso.
"Kaaga-kaaga ay puro kabalbalan ang inyong pinag-uusapan", biglang saad ni Padre Pablo na kakadating palang sa kainan. Natahimik tuloy ang dalawang pari na sina Padre Kiko at Padre Mariano. "Kahit kelan hindi ka nagbago Pablo" , sabi ng pinakamatandang pari sa kanila na si Padre Anton. "Pinaiigting mo ang kabanalan ng simbahang katolika", pagmamalaki ni Padre Anton. Kumaha ng tinapay si Padre Pablo at sumubo na ito. Hindi na nya pinansin ang mga kasama sa hapagkainan. Para sa kanya, wala syang pwedeng pagkatiwalaan sa mga ito maliban kay Padre Tino na kanyang naging kaibigan. Yun nga lamang wala na ito.
"Kamusta na pala ang kaibigang mong si Padre Tino. Siguro's masaya na sya at malaya na sya.", patutyang sabi ni Padre Kiko kay Padre Pablo. "Malamang nasa casino-real yun, kung makikita ang mga babaeng akala nasa matarik pero madaling nasusungkit hahaha", giit ni Padre Mariano. "Huwag mong sabihin sakin na nagkamali ang ipinaratang nila sa kaibigan mo?, dagdag ni Padre Mariano. "May alam ka sa nangyari diba? andun ka nung ginagahasa si Josefina.", pinagdiinan ni Padre Mariano. "Magsalita ka!? Nagpapakabanal ka pero hindi. Demonyo ka tulad ng kaibigan mong si Padre Tino.", pagkasabi nun tumayo si Padre Mariano at sinuntok si Padre Pablo nang makalapit ito.
Imbes na matakot ay natawa si Padre Pablo. "Huwag kang magmalinis Padre Mariano. Sinisilipan mo ang mga kadalagahan kapag naliligo sila. Binabasbasan mo ang mga babaeng hindi magkaanak. Kung demonyo ako, sino ka? Satanas? kakambal ni Hudas? hahaha", nakakaasar na pahayag ni Padre Pablo.
"HINDI BA KAYO TITIGIL!", malakas ang tinig ni Padre Anton. "Maraming pari ang tinatanggal sa simbahan dahil sa kanilang hindi makataong kasalanan. Huwag nyo na sanang dagdagan pa.", ang dagdag ni Padre Anton. "Dumalang ang mga taong nagsisimba. Ang iba ay dumayo na sa ibang kapilyo at naghahanap ng ibang sasambahan. Kaya umayos kayo.", pilit na pinauunawa ng pari ang sitwasyon.
"Mabuti na lamang may kakaibang kamay si Padre Pablo. Mainit ang kanyang mga kamay na nakakagaling daw sabi ng mga dumadayong indyo rito. Kung hindi baka wala nang pumunta sa simbahan natin para magdasal o kaya magtirik ng kandila." ang pagpapatuloy ni Padre Anton. "Mula sa araw na ito, huwag nyo ng babangitin ang pangalang JOSEFINA. Patahimikin nyo na ang kaluluwa nya.", ang huling tinuran ng pari.
Tumayo na si Padre Anton at humakbang na. Hawak ang baston, naglakad na sya papunta sa kanyang kwarto upang makapagbihis. Nung buksan nya ang pinto ng kanyang kwarto, bumungad sa kanya si Padre Tino na kanyang natagpuan sa simbahan ng madaling araw. Nagtataka ang pari nang humarap si Padre Tino sa kanya.
"PATAY KA NA! HINDI KA DAPAT ANDITO! PAANONG?", yan ang mga salita lumabas sa bibig ni Padre Tino habang paatras ito.
"Tino, ano kaba? TINO!", hindi na ata nakikilala ni Padre Tino ang kaharap.
"PATAY KA NA! PATAY KA NA!", hindi tumitigil si Padre Tino kakasigaw. Bigla na lamang itong tumigil sa paggalaw. Para itong naging istatwa.
"Tino? TINO!", niyugyug nya si Padre Tino pero hindi na ito gumagalaw. Para itong manikin na ginagaya ang wangis ng tao , pero wala itong buhay.
Lumingon sya sa paligid upang siguruhin kung sya lamang ang anduon. Nakita nya sina Padre Kiko at Padre Mariano na parehong nag-uunahan upang maka-ihi. Hindi sya nito napansin kaya agad nyang dinala si Padre Tino sa kwarto nya.
Maya-maya pa, nagulat sina Padre Kiko at Padre Mariano nang may makita sa sahig. Isa itong kapirasong papel. Wala namang nakasulat pero kapansin-pansin ang kakaiba nitong amoy. Amoy pabango ng matandang lalaki. Kaya naisip nilang may nakapasok sa loob ng simbahan na hindi nila alam.
BINABASA MO ANG
Ang Supremo, Andres Bonifacio
Historical FictionAndres Bonifacio, sya ang ama ng Katipunan at namuno sa pag-aaklas laban sa mga Kastila gamit ang dahas at armas. Para sa kanya, tungkulin nyang ipagtanggol ang Pilipinas base sa pinaglalaban nyang prinsipyo. Yun nga lamang, pinatay sya ng kanyang...