Nagising ang damdamin at kamalayan nang mga taong bayan sa mga salitang binitawan nang kababayang si Andres. Sa mga oras na iyun, nabuo sa natutulog nilang kaisipan ang isang makabuluhang paghihimagsik. Paghihimagsik na wawasak sa pang-aalipin nang mga naghaharing mga banyaga. Ang kalaban nila ay ang malakas na gobyerno sa pamumuno nang mga kastila. Kailangan nilang mapaalis ang mga kastila sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay para sa mga katutubong Pilipino.
Sabay-sabay silang humakbang at sinundan kung saan patungo si Andres Bonifacio.
"Wala man tayong dalang armas. Sapat na ito para bigyan ng babala ang pamahalaan", ang nasabi ni Andres Bonifacio at nilabas nya ang kapirasong papel.
Nakasaad sa kapirasong papel ang buwis na kailangan bayaran ng isang mamamayan na naninirahan sa Pilipinas. Ang tawag sa papel na ito ay cedula. Sumunod ang lahat sa ginawa nya. Mas bumilis ang hakbang nilang lahat.
Nang makarating sa Malacanang, nakita sila nang gwardya sibil. Sabay sabay nilang pinunit ang mga cedula nila. Nagtaka ang mga gwardya sibil sa ikinikilos ng mga indyo. Pakiwari nila nababaliw na ang mga indyo.
Nagsalita sa wikang kastila si Andres Bonifacio. Isa itong pahiwatig na lalaban sya hanggang sa huli. At hindi sya titigil hanggang hindi napapalsik ang mga kastila. Ganon na lamang ang galit nang namumuno na nakatingin sa may durungawan. Nanlilisik ang mga mata nito at halos pilipitin nya ang dyaryo na tangan-tangan nya. Hindi man nakabitiw nang salita, halatang hindi ito gustong marinig nang gobernador.
Nang makaalis ang mga indyo kabilang na si Andres Bonifacio. Nagmamadaling bumaba sa hagdangan ang gobernador. Pinagsasampal nya ang mga gwardya sibil. Pinagtatadyak at pinagsusuntok.
"Punyemas! Bastardos! Estupido!" , galit na galit ang gobernador sa mga gwardya sibil pagkat wala itong ginawa sa mga indyong dumating.
Pinag utos nang gobernador na palitan lahat nang gwardya sibil at idestino sila sa ibang bayan. Galit na galit itong nilisan ang kanya ng tanggapan. Hindi pa tuluyan kumakalat ang dilim ng gabi. Abala ang mga tao sa pag kuha ng mga kahoy,at bato. May ilang mga lalake naman na dahan dahan nililipat ang mga armas na nakuha nila habang tulog ang mga gwardya sibil.
Ilang araw lang ang lumipas, nabalitaan ang sunod sunod na pag aklas ng mga tao sa bawat bayan na pinagkakabahala ng mga kastila. Dahil sa sunod sunod na pangyayari, nagpulong ang samahan ni Andres. Sa isang gabi na tahimik, minabuti ni ginoong Emilio Aguinaldo na makausap si Andres Bonifacio upang maging matiwasay ang nagaganap na himagsikan.
Ang kanilang pag uusap ay hindi naging maayos pagkat iba ang kanilang pananaw. Naging sagad ang pag aaway ng dalawang pangkat. Ang una, kay Ginoong Aguinaldo at pangalawa, kay Andres Bonifacio. Humantong sa dahas ang kanilang pagtatalo.
Nabaril ang kapatid ni Andres sa balikat. Si Andres naman pilit hinabol. May nagsasabi na sya at nabaril ay namatay. May nagsasabi naman na hindi sya napatay dahil nakatakas sya.
Ilang taon ang lumipas at marami pa din na nagpapalagay na sya ay buhay. Ganon, ang kanyang gunita ay nakaukit sa alaala ng bawat pilipino.
Hanggang dito na lamang.
——————
BINABASA MO ANG
Ang Supremo, Andres Bonifacio
Historical FictionAndres Bonifacio, sya ang ama ng Katipunan at namuno sa pag-aaklas laban sa mga Kastila gamit ang dahas at armas. Para sa kanya, tungkulin nyang ipagtanggol ang Pilipinas base sa pinaglalaban nyang prinsipyo. Yun nga lamang, pinatay sya ng kanyang...