Kabanata 7: Pagmamahal nang isang kuya

34 0 0
                                    

Pagsapit ng dilim, saka naisipan nang bilanggo na bumaba na nang puno. Matagal na syang anduon at dinig na dinig na ang pagkalam ng sikmura sa sobrang kagutuman. 


Nang masaksihan ng lahat ang pagkitil sa buhay nang tatlong paring martir. GOMBURZA kung tawagin. Mas kilala bilang Padre Gomez, Padre Burgoz at Padre Zamorra. Agad naman dinakip ang mga taong may kinalaman sa mga pari kahit wala namang sapat na ebidensya.


Nadakip si Paciano pagkat namamataan na nakikipag-usap sya kay Padre Burgoz. Inaakala na kasama si Paciano sa mga kaguluhan at lumalaban sa pamahalaan. 

Sino nga ba si Paciano?

Nung nag-aral si Paciano sa Maynila, ilan lamang ang kanyang nakakilala. Isa na roon si Padre Jose Burgoz. Dalawang beses lamang nya ito nakausap. Una ay yung napadaan sya sa isang simbahan. At ang ikalawa ay sa eskwela kung saan nagiting panauhin ang pari.

Sa pag-aalala ni Paciano sa kanyang kapatid. Pinuntahan nya ito sa tinutuluyan nito.  Mag-aaral na kasi ang kanyang kapatid na nakakabata si Pepe. 

Paciano Mercado ang ginagamit nyang pangalan. Nagpakita sya sa kanyang kapatid na si Pepe upang sabihin na huwag nyang gagamitin ang apelyidong Mercado. Wala dapat na makaalam na kabilang sya sa pamilya ng Realonda-Mercado. 

"Pepe, makinig ka. Huwag mong gamitin ang Mercado mula sa araw na ito. Wala dapat na makaalam na kabilang ka sa Realonda-Mercado. Pakiusap huwag pagsasabi sa kahit sino na magkapatid tayo. Kung hindi manganganib ang buhay mo.", sabi ni Paciano sa kapatid

"Ano ang ibig mong gawin ko", tanong ni Pepe

"Mula ngayon ikaw na si Jose Rizal. Rizal ang gagamitin mong apelyido. Para malaya kang makapag-aral sa Manila at kahit saan mo gusto.", bilin ni Paciano

"Pano si Nang at Tang? Hindi ba sila magagalit sa gagawin natin. ", giit naman ni Pepe

"Dapat mong malaman na sinunog ng mga Espanyol ang tahanan natin sa Laguna at ang iba pa nating pag-aari. Kaya gusto ko, makaligtas ka. Kahit ikaw na lamang. ", sabi ni Paciano

"Kuya, akala ko magiging maayos ang lahat kapag nag-aral ako tulad nang sinasabi mo. Hindi ko kaya ang pinagagawa mo", hindi matiis ni Pepe ang maiyak

"Dalawa lamang tayong lalaki sa pamilya. Kung maaari sa ibang dako ka na lang nang mundo pumunta. Magpaka layo ka. ", sabi ni Paciano

Pepe: Ayoko! 

Paciano: Para sayo ang ginagawa ko. 

Pepe: Kuya, susundin ko ang gusto mo pero sana magkita pa tayong muli. 

Paciano: Heto, ang bato na mag-uugnay sating dalawa. 


Pagka-abot ng bato. Nakaukit duon ang RPJ

Paciano: Jose Protacio Rizal

Pepe: Binaligtad at pinaikli. 

Paciano: Huwag kang mag-aalala sasabihin ko sa mga kapatid natin ang tungkol dito sa bato. Hindi ko muna sasabihin kina Nang at Tang. Medyo masama ang pakiramdam ni Tang. Si Nang naman unti unti nahihirapan makakita. Hindi mabuting malaman nila ang balak natin. 


_____________________________________________________


Ilang araw ang lumipas at handa na ang dokumento. Dokumento ito na sya ay si Jose Protacio Rizal. Tulad ng nasa plano, pumasok na sya sa gusali nang kanyang eskwelahan. Ang kanyang dokumento ay maliit lamang kung saan nakasaad ang pangalan, edad, lahi, at relihiyon, at kinagisnang lengwahe. Kabilang din duon kung isa kang kastila, mestiso/mestisa at indyo. 

Nang makita na isa syang mestiso. Sinuri maigi ang dokumento at tiningnan sya nang dalawang beses. Sabay senyas na umalis na sya. 

Hawak ang baston, tinahak na ni Pepe ang daan paakyat. Unang araw nang pasukan. Dumiretso na sya sa unang kwarto na kanyang nakita. Pagpasok nya rito, tiningnan sya nang iba. Halos lahat sila ay lalaki. Marami ang mapuputi, ang ilan ay maiitim, bihira lamang ang tama ang kulay nang balat. 

Umupo sya sa pwesto kung saan marami ang tulad nya ang nakabaston, at nakasumbrero. Pagkaupo nya , narinig nya ang isa na nagsalita. Mulato(negro/maitim) 

Tumayo sya at pinatulog ang kanyang baston. Napatingin ang ilan sa kanya. 

Ngumiti sya. Tiningnan nya ang lalaki na nagsabing isa syang mulato. Sa munang tingin, alam nyang isa itong purong kastila. 

"Hoy! buhay ka pa ba dyan?", sabi nya rito

Natahimik ang lalaki dahil hindi sya naunawaan nito. Ang ilang mestiso na nakakaunawa nang sinabi nya ay nagtawanan. Bago pa magkaroon ng tensyon. Pumasok na ang guro nila sa klase. 


_______________________________________________________________________


Nang uwian na, hinabol nang ibang mestiso si Pepe. Gusto nila itong kaibiganin. Mula non nagkaroon na sya ng mga kaibigan. 


Saglit nyang naalala ang kuya nya. Kailangan nyang magsikap, kawawa naman yung kuya nya na handang gawin ang lahat para sa kanya. 


_______________________________________________________________________

Author's note


Pagmamahal nang isang kuya o nang isang panganay ay hindi matatawaran ninuman. Handang isakripisyo ang lahat. 

Kuya Paciano para sa kanyang kapatid na si Pepe

Senyor Andres para sa kanyang mga maliliit na kapatid. Tumatayong ama. 







Ang Supremo,  Andres BonifacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon