Kabanata 1: Kapistahan ni San Andres

118 0 0
                                    

Si San Andres, isa sa mga patron na sinasamba ng mga bininyagang mga Katoliko. Sa araw na ito ipinagdiriwang ang kanyang gunita. Nagdaos nang misa si Padre Pablo, na balitang may mahiwagang kamay na nakakapagpagaling ng mga hindi maipaliwanag na karamdaman. Maski ang mga dalubhasa sa siyensya at medicina ay hindi maipaliwanag


Makikita sa misa ang mga opisyal ng gobyerno lalo na si Tinyente Santiago, na nuo'y malapit sa puso ng masa. Mabango ang pangalan nya sa mga negosyanteng instik. Marami narin syang mga kaibigang na galing pa iba't ibang bansa na matataas din ang pinag-aralan at nasa may-kayang pamilya. Paborito sya ng Gobernador Heneral, parati sya isinasama sa lahat ng lakad nito. Malaki din ang pasasalamat ng simbahan kay Tinyente Santiago, pagkat tumutulong ito sa mga batang ulila na nasa bahay ampunan. 


Maswerte nga siguro si Tinyente Santiago, nakadaupang palad nya ang isang mestisa na marangya. Sa pagtaas nang ranggo ni Tinyente, maraming babae ang umaaligid sa kanya. Isa lamang ang bumihag ng kanyang puso. Sa ngayon, nagdadalang tao ang kanyang may-bahay. Halata sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. Hindi na nga nya nakasama sa misa ang kanyang misis na nuo'y nasa pamamahay nila.


"Tinyente, si Senyora po", pabulong na sabi sa isang katiwala sa bahay nya. Hindi na tinapos ng Tinyente ang misa, agad syang bumulong sa Gobernador Heneral na nasa kanyang kaliwa. Sumenyas ang Gobernador Heneral, hudyat na pinahihintulutan nya na itong umalis agad dahil manganganak na ang misis nito. Dali-daling umalis ang Tinyente, sumakay agad sa karwahe upang makauwi na. 


"Huwag kang tumigil, IRI!", ang pasigaw na sabi ng Komadrona kay Senyora habang nakahawak ito sa tela na nakakabit sa kama. Pawis na pawis ang Senyora. Panay naman ang punas ng dalawang mutsatsa sa pawis na tumatagaktak sa nuo at mukha ng senyora. 

"Buksan nyo ang bintana, bilis", ang utos ng Komadrona sa dalawa pang mutsatsa na nakatayo sa gilid ng kama. Mabilis ang kanilang mga kilos. 

Walong oras. Walong oras nang pilit na iniluluwal ni Senyora Catalina ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Hirap na hirap na sya. Ganito pala ang pakiramdam ng unang panganganak. 

"Dyosko po, AH!!!!!!!!", maririig ang nakakabinging pag-IRI nang senyora.


Maya-maya pa'y dumating na si Tinyente lulan ng humaharurot na karwahe. Dali-dali itong pumadhik sa hagdanan papunta sa mansion. Hindi basta bahay lamang , isang mansion. Mansion ito ni Senyora Catalina, bunga ito ng kanyang pagsisikap kahit lumaki sa marangyang pamilya. Mahilig ang Senyora sa alahas na kalauna'y kanyang ginamit upang kumita. 

Di hawak na mas angat ang estado ng buhay ng Senyora kung kay Tinyente lamang. Nakukuha ni Senyora ang lahat ng kanyang naiisin. Madaming pagsubok ang kinaharap ni Santiago bago sya nagkaroon ng titulo at ranggo. 

"Kakai, andito na ako.", sabi ni Santiago habang tinatahak ang daan papunta sa kanilang kwarto na mag-asawa. Kasama nya ang kanyang mga tauhan para alalayan sya. Pagkadating sa mismong harapan ng pintuan, agad itong binuksan ng kanyang mga tauhan. Bumungad sa kanya ang isang babaeng hirap na hirap manganak. 


"Mabuti naman at andito ka na", pagkasabi ng Komadrona na pawis na pawis sa sobrang init. Agad lumapit si Santiago at lumayo ang mga mutsatsa. "Kakai, andito na ako", pagsabi ni Santiago nun tiningnan sya ng Senyora na hinang hina na. "Konti na lamang, IRI PA!, sabi ng komadrona sa Senyora. "TAPANGAN MO!", bilin ni Santiago sa asawa.

"Isa, Dalawa, Tatlo.. HAYOP KA!!!!!!!!!!!!!!", lumakas ang Senyora at bumitaw sa pagkakahawak sa mga tela. Ramdam nya ang matinding sensasyon sa kanyang tiyan papunta pwerta. Hindi mo mawari kung sya ay maiihi o madudumi. Sa sobrang iritable nasampal ng Senyora si Santiago na nasa tabi nito. 

Ang Supremo,  Andres BonifacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon