Nagdaan ang ilang taon. Naging pangkaraniwan na lamang sa mga tao ang nagdadaanan mga karuwahe at paglalakad sa bawat kalye nang mga gwardya sibil. Tumaas ang pinapataw na buwis, nagmahal ang mga bilihin, dumagsa ang mga taong banyaga na galing sa europa at ibang karatig bansa. Sa sobrang mahal ng bilihin, kanya kanyang diskarte ang mga pilipino upang makapaghanda nang ulam at kanin sa hapagkainan.
Sa sobrang hirap nang buhay, ang ilang padre de pamilya ay natutukso na magsugal. Ilang araw silang mawawala sa bahay. Pagod na pagod sila pag umuwi. Amoy na amoy ang sigarilyo, alak at minsan opyum. Deretso sila sa higaan. Kapag ginising mo sila, nagagalit o di kaya'y walang imik. Kwento nang ibang may-bahay, para daw sinapian nang masamang espiritu ang asawa nila. Nag-mumura ito at nananakit. Lagi daw nitong sinasabi na mananalo sya kaso dinadaya daw sya.
Hindi iba ang kwento tungkol sa lasing na asawa dahil sa pagsusugal nito. Malaking balita sa kanila yung mga kababayan na nag-aaral sa ibang bansa at bumabalik sa Pilipinas. Pati narin ang mga babaeng nag-aaral, nagnenegosyo at matagumpay sa ibang larangan. Bihira lang kasi ang babaeng nag-aaral. Kadalasan , nasa kumbento o nasa bahay lamang ang mga ito.
Pagtapat ng alas tres nang hapon. Tapos na ang klase sa lahat ng unibersidad na halos magkakadikit. Pag nagsi labasan na ang mga estudyante. Ang dami nila na naglalakad palabas. Hindi maiwasan na ikompara ang mga estudyante sa iba't ibang unibersidad. Halos lahat lalaki. Matangkad, mapupuno, gwapo at mayayaman ang halos lahat ng makikitang estudyanteng lalaki. Mapapalingon lahat nang mga nagsisimba na mga kadalagahan.
"Birheng Mariya, isa itong paraiso.", bulong ng isang dalaga bago pumasok sa simbahan
"malaki, mahaba, matigas", dugtong ng isa pang dalaga
"ang sarap titigan", sabi naman ng huli
"ano ba ang tinitingnan nyo dyan?", singit nang isa
Nang makita nila kung sino ang nagsalita. Napa-atras sila. Hindi kasama ng mga estudyanteng lalaki ang lalaking nasa harapan nila. Gwapo din ito.
"Baka kailangan nyo ito?", pag-aalok ng lalaki nang panyo
"walang galang", pagkasabi nun nagmadali ang tatlong dalaga na pumasok ng simbahan.
"sabay sabay pa sila", puna nang lalaki
Nagmamadaling humanap nang mauupuan sa loob nang simbihana sina Madet, Rubia at Nana. Nagsisimula na ang misa nang dumating sila.
Madet, Rubia, Nana---> Kapwa silang magkakapatid sa iisang ina, magkakaiba lamang ang kanilang mga ama. Ganun, pinagpala sila pagkat ang mga ama nila ay puro kastila at may mga negosyo sa Kamaynilaan. Ang ina nila ay isang mananayaw sa bahay aliwan at araw-araw ay may bigating mga kliente ito na nagbibigay nang malaking halaga nang pera.
Ayun sa mga tsismis, ang kanilang mga ama ay magkakaibigan mula pa nang sila ay nasa kolehiyo. Hilig nang mga ito ang bumisita sa mga bahay aliwan sa Maynila pagkat andun ang kanilang pansamantalang tinitirhan. Ang ina nila ay pinakamasarap daw na babae na natikman nila. Magaling daw kasi itong gumapang, mabilis humawak at hindi natitigil sa pagbibigay saya sa bawat kliyente nya. Bawat sigundo ay mahalaga, bawat galaw ay may kasamang hiyaw, bawat hagod ay may kakaibang pakiramdam na naiidudulot. Halos lahat nang lalaki, hinahanap sya. Sobrang galing daw.
Sustendado nang mga ama nila ang tatlong dalaga. Hindi naman kaila sa kanila ang kanilang tunay na pagkatao. Naging magkakakilala ang tatlo dahil narin sa kanilang mga ama.
BINABASA MO ANG
Ang Supremo, Andres Bonifacio
Historical FictionAndres Bonifacio, sya ang ama ng Katipunan at namuno sa pag-aaklas laban sa mga Kastila gamit ang dahas at armas. Para sa kanya, tungkulin nyang ipagtanggol ang Pilipinas base sa pinaglalaban nyang prinsipyo. Yun nga lamang, pinatay sya ng kanyang...