Nagkaroon ng isang pag-aaklas sa pamumuno ni Padre Pablo. Dahil sa kanilang ginawang gulo, nadamay ang mga inosenteng pari na nadakip ng mga gwardya sibil. Nadamay si Padre Mariano, Padre Kiko na kaaway sa simbahan ni Padre Pablo.
May tatlong pari na hindi dapat sana masali kaso, pagkat parateng lasing ang mga ito. Nadakip din sila. Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgoz, Padre Jacinto Zamora. Masayang nag-iinuman pa daw ang tatlong pari sa may kamalig ng sila ay pinasok ng mga armadong gwardya sibil. Dahil sa kalasingan, kinaladkad sila palabas na mga halos lasing na lasing.
Nagulat silang tatlo ng magising sila na nasa harapan na sila ng mga taong bayan. Ganun na lamang ang mga itsura nila ng igagarote sila "Bakit ba ako andito? Umiinom lang po kami", sabi pa ni Padre Mariano. "Huwag po ako ,sila na lamang", pakiusap ni Padre Burgoz. "Hindi po namin alam ang inyong paratang", pagmamakaawa ni Padre Zamora na nuo'y umiiyak pa.
Wala awa sila dinala sa garote. Ganon na lamang ang pagpupumiglas nilang tatlo kasi wala silang ginawang mali. Binugbog mula sila bago sila ginapos ng todo kasi ang likot ng katawan nila. Nilagyan ng busal ang bibig nila saka tinakpan ng itim na saklob ang ulo nila. Sabay sabay sila nilapit sa garote. Maririnig ang putok ng baril hudyat na igagarote na sila.
Nagkagulo ang mga tao. Hindi naitala sa kasaysayan na sinikap ng mga kababayan nila na iligtas sila. Hindi totoong nakatingin lamang ang mga indyo at nag-iiyak. Lumaban ang mga indyo. Maraming nasaktan at nabaril sa dibdib. Kitang kita ni Pepe (Jose Rizal), bawal pangyayari. Agad nyang nilisan ang lugar ng magpaputok ng baril ang mga gwardya.
Maririnig ang pagpihit ng garote. Unti-unting maririnig ang pag-ipit ng laman ng leeg. Parang gingiling na karne ng baboy. Unti-unti itong naiipit. Nang mamatay ang mga Pari sa garote. Walang awa sila sinunog sa harap ng apoy
Ang apoy na makikita sa pagsunog sa tatlong paring martyr ang humudyok sa batang si Pepe na magsulat ng nobela kapag sya ay nasa hustong gulang na. Sa huwing magsusulat ang batang si Pepe, matagal syang matutulala sa lampara pagkat naalala nya ang mga paring minsang ginarote at sinindihan na para bang papel lamang.
BINABASA MO ANG
Ang Supremo, Andres Bonifacio
Ficción históricaAndres Bonifacio, sya ang ama ng Katipunan at namuno sa pag-aaklas laban sa mga Kastila gamit ang dahas at armas. Para sa kanya, tungkulin nyang ipagtanggol ang Pilipinas base sa pinaglalaban nyang prinsipyo. Yun nga lamang, pinatay sya ng kanyang...