Baon ni Andres sa kanyang pag-uwi ang pagtatagpo nila nang isang patnugot ng mga pahayagan na lihim na ipinadadala sa Pilipinas para mabasa ng mga kapwa kababayan. Lulan ng malaking barko, damang-damang ni Andres ang hangin habang naghahampasan ng malalaking alon. Mga dalawang araw pa bago narating ni Andres ang kanyang bayan. Paghinto ng barko, mabilis na nagsulputan ang mga gwardya sibil sa tapat ng barko.
Sumenyas ang namumuno sa mga gwardya sibil sa kapitan ng barko. Napakunot ng nuo ang kapitan ng barko. At kahit na walang isinagot ang kapitan ng barko. Wala syang magawa. Tuluyan ng inakyan ng mga gwardya sibil ang barko. Andun ang mga gwardya sibil upang siyasatin ang mga dalahin ng mga pasahero.
Lahat ay nagsi-tabi nang magsimula nang maglakad at magmasid ang mga gwardya sibil. May mga bata, matanda, babae, lalaki , mag-asawa, mag-ina ang nanduon. Halos lahat sila may mga kasama maliban kay Andres na nag-iisa lamang.
Si Andres ay walang dalang kahit na-ano kundi ang kanyang sarili lamang. Kaya naghinala ang mga gwardya sibil sa kanya lalo na ang namumuno sa mga ito. Kaya kinapkapan sya sa katawan ng mga ito upang makasiguro. Napapailing ang ilang gwardya sibil dahil wala silang makitang kahina-hinala sa kanya.
Namumuno sa gwardya sibil: senyor, como te llamas? (what is your name)
Saglit na napahinto si Andres dahil hindi nya pwedeng sabihin ang tunay nyang pangalan kung hindi muling ma-uungkat ang kaguluhan noong bata pa sya. Nilapitan sya nang namumuno sa gwardya sibil. Masama ang tingin nito sa kanya tila ba isa syang kriminal na pilit tinutugis.
Biglang may dumating at rinig na rinig ang mga yabag ng sapatos nito. Kaya napatingin ang lahat sa kanya. Maski ang mga gwardya sibil ay napahinto sa kanilang ikinilos.
Ang dumating ay si Senyor Pio Valenzuela. Sa kanyang pustura, hindi sya isang pangkaraniwang indyo. Kundi mayaman at matalino. Katunayan, isa syang doktor. Ayaw nyang naantala o pinaghihintay.
Nilapitan nito ang namumuno sa mga gwardya sibil. Bumulong sya rito. Halata ang pagkabigla nito sa narinig. Ayun kay Senyor Pio, kaibigan nya ang lalaki na inuusisa ng mga gwardya sibil. Nasaksihan nya kung paano tratuhin ng mga gwardya sibil ang kanyang kaibigan na galing din sa maimpluwensyang pamilya.
Dahil sa kanyang pahayag, nahinto ang pagsisiyasat at pagtatanong kay Andres. Pinababa na ang mga pasahero ng barko. Naghiwalay na ang landas na tinahak nila Andres at Pio. Hindi maunawaan ni Andres na may tao pa palang handang tumulong sa hindi nila ka-ano-ano,
______________________________________
Hindi pa lang nararating ni Andres ang bahay nya. May mga tao nang tumatakbo dala ang kanilang mga gamit. May isang ginang na nagmagandang loob. Nagsabi sya kay Andres na humayo habang maaga pa.
Kaya nagtataka sya kung bakit. Nang sumapit sya sa kanilang bahay. Kitang kita nya na nasusunog ang mga bahay, ang ilang pananim at nawawala ang ilang mga hayop sa bakuran ng ilan nyang mga kapitbahay. Nawawala din ang mga kapatid nya.
Wala syang maisip nang mga oras na yun kundi umalis at sumabay sa mga tao. Narinig nya ang usap-usapan. Nagalit daw ang pamahalaan dahil hindi nila makuha ang lupaing pag-aari ng mga tao. Marunong nang lumaban ang mga tao gamit ang iba-ibang gamit at armas. Kaya sinadya nila na sunugin ang mga bahay, at mga pananim. Nang sa ganun, maghikayos ang mga indyo sa kanilang pagmamalaki na kaya na nilang tumayo sa kanilang mga paa.
Bilang naalala ni Andres ang mga nangyari nung bata pa sya. Ang pagsabog, ang pagsugod ng mga tao at ang pagkakahiwalay nilang mag-anak. Ang hindi nya matanggap ay ang pagkawala ng kanyang ama. Maski ang bakas nito ay hindi nakita.
_________________________________________________________________
Kinabukasan, natagpuan ni Andres ang kanyang sarili na nakahandusay sa kalsada. Kasama nya ang mga kababayan na lumikas sa sunog. Ayun sa mga tao duon, sinunog din ang mga malalaking bahay sa iba't ibang bayan. Hindi nga daw pinalampas ang pinakamalaking bahay na may isang libong mga libro sa Calamba Laguna. Dahil daw dun, nagwala ang mga kabayo at nagsitakbuhan kasama ang mga tao na gusto din makatakas.
Ang ibang tao na wala nang makain ay dumadayo pa sa ibang bayan para duon lumagi. Kitang-kita ni Andres ang mga bata, matatanda at mga babae. Naalala nya ang mga kapatid nya, ang ina at tatay nya.
Dahan-dahan na tumayo si Andres. Wala nang iba pang sasalba ang bayan nila kundi kapwa kababayan din. Nagsalita sya sa mga naroroon.
Mga kababayan, hindi dapat tayo nagpapalupig.
Tayo dapat ang makinabang sa sariling bayan natin.
Hahayaan ba natin na matulog sa lansangan ang mga anak natin?
Kailangan nating patumbahin ang pamahalaang simusira sa atin.
Napatingin ang mga naroroon sa kanya.
Ano pa ang hinihintay nyo
Tara, at ipakita natin sa kanila kung sino tayo.
Sabay-sabay na naglakad ang mga tao kasama si Andres. Sa tindig at tatag ni Andres, dumarami ang sumasama.
Author's note:
Gusto ko lang pong ipaalala na totoo ang ilang detalye dito sa istorya na ito. Ganun man, may mga binago po ako sa twist at ibang characters. Sorry kung may mga typo errors. Thanks po sa patuloy na nagbabasa.
BINABASA MO ANG
Ang Supremo, Andres Bonifacio
Ficción históricaAndres Bonifacio, sya ang ama ng Katipunan at namuno sa pag-aaklas laban sa mga Kastila gamit ang dahas at armas. Para sa kanya, tungkulin nyang ipagtanggol ang Pilipinas base sa pinaglalaban nyang prinsipyo. Yun nga lamang, pinatay sya ng kanyang...