Kabanata 5: Mabuhay ka, Senyor Andres

36 0 0
                                    

Ang paghihigante ni Padre Pablo sa kanyang ama ay nagdulot ng malaking kasiraan sa ngalan ng simbahan. Kaya nagkaroon nang alitan sa pagitan ng pamahalaan at ng simbahan. Naghigpit ng husto ang malacanang, kung saan namamalagi ang gobernador heneral at ang ibang mataas na officiales ng gobyerno. Kinakailangan muna magpadala ng sulat at siguraduhing pinahihintulutang pumunta gamit din ng isang pinadalang sulat. Ang simbahan ay nagdadaos ng misa kada araw na sinasabayan ng sermon na patungkol sa baluktot na sistema ng gobyerno at mga gahaman ng mga kawani. 


Maski ang paglalathala ng balita. Mapapansin na puro pulitika na lang ang nakalimbag , walang informasyon tungkol sa simbahan o salita ng dyos. Mismo ang mga simbahan na ang naka-isip na gumawa ng mga papel tungkol sa salita ng dyos. Sa simbahan na lamang makikita. Talagang naghiwalay na ang PAMAHALAAN AT SIMBAHAN. 


Dumating sa punto na nagkakaiba na sila ng layunin. Pati ang mga tao ay nagkakaiba-iba din ng pananaw. Ang ilan , gusto sa pulitika . Ang iba , pinapahalagahan ang gawang makadyos. Meron naman na nagpapakabanal para makuha ang boto ng taong bayan.


______________________________________________________________________________


Pansamantalang nakikituloy si Kakai(Catalina), ina ni Andres sa isang apartel na tinutuluyan ni Josefina. Mag-iisang linggo na rin pagkaraan nang kaguluhan. Napahiwalay si Kakai sa kanyang asawang si Tinyente Santiago at ang kanyang mga anak.  Nasa kusina nuon si Josefina, iginagayak ang almusal nila sa umaga. Si Kakai naman ay palakad-lakad lamang hawak ang kanyang malakin tiyan. Nagdadalang tao kasi sya. 


Isang taon na ang nakakaraan mula nang mabalita na patay na si Josefina. Tinangka syang halayin ni Padre Tino, pinsan nya. Hindi naman nya akalain na sa kabila nang maamong mukha ng pinsan natatago ang kademonyohan nito. Bago pa sya tuluyan halayin, biglang nabago ang ikinilos ni Padre Tino. Tila nawawala ito sa katinuan. 


"Mahal kita, Pina. Hindi naman masamang magmahal. Kaya bakit hindi natin mahalin ang isa't isa.", pagkasabi nun niyakap sya ng pari. "Mali ito, hindi tama. Tauhan tayo ng simbahan.", pangaral ni Josefina. "Mahalin mo ako tulad ng pagmamahal ko sayo", sabi pa ng pari. 

Nagpupumiglas si Josefina hanggang sa makawala sa yakap ng Pari. "Padre Tino, pinsan mo ako kung iyong nakakaligtaan", sabay sa pagkabigkas nun ang isang sapal. Sampal na nagmarka sa pisngi. 

"Bastarda!", sa sobrang galit ng Pari tinadyakan nya ang madre. "Akala ko pa naman magiging maayos ang usapan natin. Hindi pala. ", dugtong ng pari


Nang mga oras na yun, nasa kabilang kwarto lamang si Padre Pablo. Dinig na dinig nya ang kalabog mula sa kwarto ni Padre Tino. Mahimbing naman ang tulog ng mga pari sa bawat kwarto. Nilagyan nya kasi ito ng kandila na kapag sinindihan ay maglalabas ng usok na makakapagpatulog sa sinuman na makalanghap nito. 

Tanging kwarto lamang ng tatlo ang walang kandilang ganito. Padre Pablo, Padre Anton at Padre Tino. Ano man ang mangyari kay Josefina, sila lamang ang nakakaalam ng pangyayari. 


Nang matapos ang panghahalay ni Padre Tino. Tila nahimasmasan ito sa nangyari. Nagulat sya sa kanyang nagawa. Wala nang malay si Josefina kaya inakala nya na patay na ito. Nagtatakbo sya palabas ng kwarto at sinalubong sya nina Padre Anton at Padre Pablo. 

"Patawarin nyo ako, hindi ko alam ang aking ginawa.", sabi nito

"Hangal, huwag kang magmalinis.", saad ni Padre Anton

"Tulungan nyo po ako", pakiusap ni Padre Tino

"O sya cge, maging espiya ka at sisiguraduhin namin na magiging maayos ang lagay mo.", sabi ni Padre Pablo

"Gagawin ko ang lahat.", pangako ni Padre Tino


Hindi nila alam na naririnig ni Josefina ang lahat bago sya binuhat ni Padre Pablo at dinala sa pinakadulo kung saan andun ang malaking bintana. Hinagis nito ang dalaga at umanod ang katawan nito sa umaagos na ilog. 


Buti na lamang may nakakita kay Josefina. Nang masiguro na buhay pa ito, inalagaan ito ng nakakuha sa kanya. Nang matauhan si Josefina, nagkunwari sya na wala syang maalala sa kanyang nakaraan. At sa kanyang lihim na pagmamanman, nalaman nya na unti unti na ngang nababaliw si Padre Tino. Tuluyan ngang nakontrol nila Padre Anton at Padre Pablo ang halos lahat ng simbahan. 


Kung sakali naman na uuwi si Josefina sa kanyang ina at sasabihin nya ang lahat na nangyari. Hindi iyon maniniwala. Sasabihin pa nitong sya ay nababaliw o nagiging suwail na anak. 

"Ang hirap naman nang pinagdaanan mo", sabi ni Kakai

"mas nakakaawa ang bayan natin. ", tugon ni Josefina

"isa kang mabuting tao, dapat lang na pahalagahan ka." sabi ni kakai


Tumayo si Kakai at niyakap ang kaibigan. 


__________________________________________________________________________


Maya maya pa, nakarinig sila nang mga sigaw

"Sunog ! sunog!", sigaw ng mga tao


Duon nila nakita na unti-unti nang kinakain ng apoy ang mga kabahayan. Nangamba sila.

Malakas na sinipa ang pinto kaya ito nabukas. 

"Andres!", nabulalas ni Kakai nang makita ang kanyang panganay

"Nay, tara na bago pa masunog ang lahat ng bahay dito.", sabi nito. 













Ang Supremo,  Andres BonifacioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon