Uminit ang ulo nang Don, hindi nya nadatnan ang kanyang anak na babae. Dali-dali nya itong hinanap hanggang sa umulan na.
Lulan nang kanyang karuwahe, nakita nya ang kanyang anak. Takot ang napuna nya sa mga mata nito nang sila ay magkita.
Saglit napatingin sa binata na kausap nang kanyang anak.
"Hindi ka dapat pumupunta sa ganitong lugar. Umalis na tayo.", hinatak na nya ang kanyang anak.
Hindi naman umalma ang kanyang anak.
___________________________________________________________________
Ang lalaki sa pampublikong paaaralan ay walang iba kundi si Andres. Pinili nyang humanap nang trabaho para matustusan ang pangangailangan nang kanyang mga kapatid.
Namatay sa panganganak ang kanyang ina sa ika-anim nitong anak. Hindi sapat ang pagtitinda ni Andres nang abaniko, pamaymay na gawa sa papel , sigarilyo at kape.
Tinatanggap din nya ang pagiging kargador, pagpapaskil nang mga papel sa dingding, at kung anu-ano. Ang mahalaga ay kumita sya.
Matagal na syang nahinto sa pag-aaral. Maswerte lamang syang tinanggap sa pampublikong paaaralan upang taga-ayos nang mga libro duon.
Kapag walang tao, nagbabasa sya nang mga libro. Nakakabasa pa pala sya.
Nagugulat ang ibang tao kapag nagsalita na sya sa salitang Espanyol. Hindi na naalala nang iba na sya'y anak nang isang tinyente at nang isang Donya.
Mabuti nang wala makaalam kung sino sya.
May ilan namang nagsasabi na sayang ang tulad nya. May angking galing pero hindi natapos ang pag-aaral.
_______________________________________________
Hindi nagtagal nakatanggap sya nang balita na magkakaroon daw nang pagtitipon ang ilang kabataan upang sa isang sensitibong usapin. Kahit sino daw pwede sumali.
Nung marinig nya yun, dumalo sya sa nasabing pagtatagpo.
Lahat sila, may ginagamit na alyas.
Nung panahon na yun, wala namang maisip si Andres Bonifacio nun. Unang beses palang nyang sumali sa ganun. Tahimik lamang sya. Nakikinig sa mga anduon.
Napag usapan ang tungkol sa buwis na pinapataw sa mga indyo na labis ang kamahalan, mga lupain na sapilitang kinuha sa mga magsasaka.
Maya maya pa, natawag ang atensyon ni Andres. Nag-pakilala sya bilang MAY-PAG-ASA.
"Ako po ay ulilang lubos na. Ganon man , hindi ako nawawalan nang pag-asa na balang araw makakalaya tayo sa mapang aping gobyerno na iyan. Basta hindi tayo susuko, lalaban tayo. Hindi tayo papayag na maging alipin pa. ", sabi ni Andres
Napatingin lahat nang mga tao kay Andres. Simple lang ang suot nito , pero maayos sya makipag usap. Maihahalintulad sa mga illustrados.
"Malawak ang iyong kaalaman. Maayos karin makipag usap Ginoo. Marapat na sa susunod na pagtitipon , ikaw ang kumatawan sa atin. ", sabi nang isa ruon
"Hindi po ako ang nararapat duon. Isa lamang akong hamak na taga ayos sa pampublikong paaralan. ", sabi pa ni Andres
"Huwag mong ipababa ang sarili mo. Isa kang Pilipino, Iho. Andito kami mga kababayan. Handang tumulong sayo", sabi pa nang isang matandang ginoo.
Tiningnan ni Andres ang lahat. Tumatango sila.
"MAY-PAG ASA, umaasa kami sayo. Kausapin mo ang mga mahahalagang tao(illustrado), sabihin mo sa kanila ang ating problema. Tutulungan nila tayo. ", sabi pa nang isang babae.
May nag abot nang dyaryo kay Andres. Ngayon lamang nya ito nakita.
"lihim na pahayagan yan, upang malaman nang iba pa nating kababayan.", sabi nang babae.
Duon nya nakita ang mga gawa nang ilang illustrado, bagamat hindi tunay na ngalan ang kanilan gamit. Sya ay namangha. Lalo na sa manunulat na si DIMASALANG. Mahusay at walang takot.
Mula nun, lagi na syang sumasama sa kanilang pagtitipon. Masaya sya pagkat lahat sila mga indyo. Mga pilipino.
Hanggang sa dumating ang takdang panahon, sya ay naglakbay upang makausap ang mga illustrados. Kinakabahan parin sya pagkat mga edukado ang mga taong makakaharap nya.
Nung makarating na sya sa mismong lugar. Magagarang bihis ang kanyang nakita. Samantalang sya hiniram lang na kasuotan ang kanyang suot. May mga baston ang ilang dumating, mayayaman nga. Ang tanging hawak nya ay ang kanyang sumbrero.
Pumasok na sya sa malaking gusali. Sumabay sya sa ilan. Sa dami nang dumalo, minaigi nya sa tabi muna sya tumayo.
Hindi nagtagal, may lalaking kayumangi ang balat. Hindi naman kagwapuhan at katangkaran ang dumating. Nang bumati ito, duon nya nalaman na ito ang DIMASALANG.
Napailing pa sya. Hindi tayo dapat humusga nang tao.
Sa dami nang tao, lumapit sya kay DIMASALANG.
"Gandang-araw, ako nga pala si MAY PAG ASA.", pagpapakilala ni Andres
"Ako nga pala si DIMASALANG,", pagpapakilala naman nang kausap
"Nabasa ko ang mga sinulat mo. Tagahanga nyo po ako.", pagsabi nun hinawakan nya sa kamay ang kaharap.
"Nagagalak akong marinig, Jose Rizal ang tunay kong ngalan", sabi nang kausap
"Andres Bonifacio po", nagkamayan ang dalawa.
Unang pagkakakilala
Unang paghaharap
Isang edukado (Jose Rizal)
Isang tao may prinsipyo sa buhay (Andres Bonifacio)
BINABASA MO ANG
Ang Supremo, Andres Bonifacio
Historical FictionAndres Bonifacio, sya ang ama ng Katipunan at namuno sa pag-aaklas laban sa mga Kastila gamit ang dahas at armas. Para sa kanya, tungkulin nyang ipagtanggol ang Pilipinas base sa pinaglalaban nyang prinsipyo. Yun nga lamang, pinatay sya ng kanyang...