Chapter 9.2

4.6K 91 2
                                    

ITINIGIL ni Ashlee ang mina-manehong sasakyan hindi kalayuan sa bahay ni Raffy sa Ayala. Lumingon siya kay Rafael na nakaupo sa passenger's seat.
Ngumiti ito. "Go in. Tatawagan kita mamaya."
"Sigurado kang mag-ko-commute ka na lang? Puwede mong gamitin ang sasakyan ko," alok niya. Kahit sinabi niya kanina na huwag na siya nitong samahan pauwi ay nagpumilit pa rin ito.
"No need, baka hanapin ni Raffy ang sasakyan mo."
"He won't," lumabi siya. "Hindi naman siya nagtatanong ng tungkol sa akin."
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Kahit na," lumapit ito sa kanya at marahang siyang hinalikan sa mga labi. "I'm going," binuksan nito ang passenger's door. "I love you," bulong nito bago lumabas ng sasakyan.
Ngumiti siya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makasakay na ito ng taxi. She started the car's engine and drove to the garage. Hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mga labi niya hanggang sa makapasok siya sa loob ng bahay.
"You look very happy," narinig niyang puna ni Raffy.
Gulat siyang napalingon dito. Inaayos nito ang necktie na suot habang nakatingin sa kanya.
"Nan-Nandito ka pa pala. I thought you've already gone to work," nauutal na wika niya. Hindi niya na magawang tumingin sa mga mata nito.
"Paalis na rin ako. Where have you been?"
"I-I went to my friend's house. Have you been looking for me?" Oh my, napakahirap talagang mag-sinungaling.
"Not really," sagot nito. "I just noticed you're not around this morning. Well, I have to go now. I'll see you tonight, dress up. Isasama kita sa party sa bahay nina Michael mamaya."
Tumango na lang siya at tumalikod na ito. Hindi pa ito nakaka-hakbang ay pinigilan niya na ito.
"Raffy...wait."
Bahagya itong lumingon sa kanya. "What?"
Napayuko siya. Hindi niya gustong itanong ito pero kailangan. "Will you... will you consider... breaking off the engagement?" Bahagya niyang ini-angat ang ulo para makita ang reaksiyon nito. Hindi naman ito nagpakita ng gulat, but his eyes were cold.
"Why?" malamig na tanong nito.
"I mean, we don't have time for each other. Hindi ka pa ba nagsasawa sa ganitong sitwasyon?" Umaasa siyang makukuha nito ang ibig niyang sabihin.
Humarap ito sa kanya. "Are you?"
Muli siyang napayuko. "Medyo," bulong niya.
"I'm sorry for that, but I'm not considering on breaking off the engagement. Ano na lang ang sasabihin ng mga magulang natin at ng mga tao? Na pinaglalaruan natin ang mga desisyon natin? Think about this thoroughly, Ashlee," muli itong tumalikod pagkasabi noon.
"Pero-"
"Give me enough reason to agree with that," putol nito sa sinasabi niya. "And never embarrass me."
Hindi niya na nagawang makapag-salita nang tuluyan na itong umalis. Hindi niya na alam kung ano pa ang gagawin, hindi niya inaasahang magiging mahirap ang pakikipag-hiwalay dito. Hindi naman siya nito mahal, bakit ayaw pa siya nitong pakawalan?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon