Chapter 11.2

4.7K 100 1
                                    

ASHLEE was already bored to death at that time. Kanina pa siyang nakaupo lamang at hinihintay na matapos sa pakikipag-usap si Raffy sa mga businessmen na nandoon. Pagkatapos nitong makipag-usap kay Mr. Wright ay naging busy naman ito sa pakikipag-usap sa ibang mga kakilalang naroroon. Hindi man lang siya nito tinatanong kung kumusta na siya o kung nababagot na ba siya.
“Palagi na lang bang negosyo ang nasa isip ng lalaking ito?” naiinis niyang bulong sa sarili. “I can’t just wait here forever,” tumayo siya at lumapit dito.
“It will be good if you invest in our company,” narinig niyang wika nito sa isang American businessman na kausap.
“Would it be alright?” tanong ng Amerikano dito. “I’ve heard about the continuous rage between North and South Korea. Would it not affect your business?”
“I guarantee you that it won’t,” sagot ni Raffy. Napatingin ito sa kanya nang mapansin ang paglapit niya. “May kailangan ka?”
“Matagal ka pa ba diyan?” tanong niya.
“Medyo, bakit?”
Umiling na lang siya. “Wala, pupunta lang ako sa restroom.”
Tumango lang ito. “Okay, I’ll look for you later,” iyon lang at ibinalik na nito ang atensiyon sa kausap.
Napabuntong-hininga siya. Umalis na siya sa lugar na iyon pero hindi siya dumiretso sa restroom. Gusto niya munang lumabas at magpahangin. Pakiramdam niya ay bigla siyang napagod. Nakakapagod pala na maghintay lang ng mag-isa at walang ginagawa.
Sa pagdaan ng mga araw, lalong lumalayo ang loob niya kay Raffy dahil sa mga ginagawa at pinaparamdam nito sa kanya. Ngayon niya lang na-realize na bale-wala lang pala talaga siya dito. Noon, dahil bulag siya sa akala niyang nararamdaman para dito ay ayos lang sa kanya kahit iwanan muna siya nito sa isang tabi habang nakikipag-usap ito sa mga kakilala nito o ka-trabaho. Kahit wala na itong oras sa kanya ay nanatili pa rin siya sa tabi nito. She was so stupid to think na pinahahalagahan at minamahal din siya nito. Inaksaya niya lang ang oras niya para sa wala. And she just wasted her life with him. Bakit ba nag-desisyon siya ng mali?
Marahang niyang pinukpok ang sariling ulo. “You’re so stupid, Ashlee. Look at the result of your wrong decision, you can’t love freely,” sabi niya sa sarili.
Napatigil siya sa paglalakad nang may makakuha ng atensiyon niya. Agad siyang nagtago sa likod ng isang puno para hindi siya mapansin ng mga ito. It was her friend, Sophia. Naglalakad ito kasabay si Vincent Fabella. Mukhang may pinag-uusapan ang mga ito at nagtataka siya sa kung paanong parang naging close na kaagad ang mga ito.
She was surprised to see her friend smiled sweetly and touched Vince’s arms. Ngumiti din naman si Vince, mukhang enjoy na enjoy ang mga ito sa pinag-uusapan. Ano kayang relasyon ng dalawang iyon? Si Vince na ba ang bagong type ni Sophia? Napailing siya. Mahilig ba talaga ito sa mga Fabella?
Impit siyang napasigaw nang biglang may humawak sa balikat niya. Nalingunan niya si Rafael. “Ah,” napahawak siya sa tapat ng kanyang puso. “You scared me,” she hissed.
“Anong tinitingnan mo?” nagtataka itong sumilip sa tinitingnan niya. “Bakit ka nakiki-usyoso sa dalawang iyon?”
“Bakit? Masama ba? Kaibigan ko naman si Sophia, of course, I’m interested kung ano ang relasyon niya kay Vince,” rason niya.
“Bakit hindi mo itanong sa kanya? Hindi ‘yung para kang paparazzi kung makasilip dito,” pagbibiro nito.
“Hindi nakakatawa,” naiinis niyang sabi dito. “Bakit ka ba nandito?”
“May kukunin sana ako sa sasakyan,” tugon nito. “Ikaw, bakit ka nandito? Si Raffy?”
“Nagpapahangin lang ako. May kausap pa kasi si Raffy sa loob.”
“Ah,” inabot nito ang kamay niya.
Napatingin siya dito. Bumalik na naman ang mabilis na tibok ng puso niya nang magsalubong ang mga tingin nila.
“Let’s have a walk,” yaya nito.
“What?”
Ngumiti ito. “Kagaya ng dalawang iyon, let’s have a walk doon sa walang makakakita sa atin,” iyon lang at nagsimula na itong maglakad, mahigpit pa ring hawak ang kamay niya.
Ngumiti siya at sinundan ito. Ilang minuto silang walang naging usapan pero hindi niya maramdaman ang pagkabagot sa puso niya. If it was only possible to walk with him like this forever, in this dark night and cold wind. Kung hinintay niya lang sana ito.
Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. “What’s wrong?” pabulong na tanong nito.
Tumingala siya dito bago ibinaling sa magkahawak nilang mga kamay. Marahan niyang inalis ang kamay sa pagkakahawak nito. “I love you,” sabi niya sa mahinang boses. “But I know that it’s stupid to feel like this when I’m with you,” bumaha na naman ang mga luha sa mukha niya. “This is my entire fault; I shouldn’t have got engaged with Raffy and then fall in love with you. Ayokong lumayo sa’yo pero ayoko rin namang ipahiya si Raffy. Sinabi ko sa kanyang putulin na namin ang engagement pero tumanggi siya. He said never to embarrass him, and breaking off the engagement is a great blow for his image. Lalo na at ibang lalaki ang dahilan, at hindi lang basta ibang lalaki. Ikaw pa, ang kakambal niya.”
Patuloy sa pagbagsak ang mga luha niya habang nakatingin dito. Nakikita niya ang sakit sa mga mata nito. Ini-iling niya ang ulo. “Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bakit ba napakahirap magmahal? Why do I need to make wrong decisions and suffer from it?”
Naramdaman niya ang kamay nito sa mukha niya. “It’s not your fault, sweetheart,” marahang sabi nito. “This is my fault. Matagal na akong may nararamdaman para sa’yo pero hindi ko nagawang lumapit at iparamdam iyon. Ngayon pa ako nagkaroon ng lakas ng loob kung kailan ikakasal ka na, kung kailan huli na ang lahat. I’m sorry for being such a coward. I’m sorry for making you suffer like this.”
Umiling siya. “No—”
“No,” putol nito. “No, listen to me. Ayokong masaktan ka, ayokong makitang nahihirapan ka, ayokong sisihin mo ang sarili mo sa lahat ng ito. But, Ashlee, I can’t just let you go. Ngayon pa na alam mo na ang nararamdaman ko para sa’yo, I can’t just stay back and give you to him. I can’t do it now,” pinunasan nito ang mga luha niya. “I will fight for you, bear that in your mind. So, please, sweetheart, don’t give up on me. You’re the only reason why I keep on fighting, kahit na kapatid ko pa siya.”
Marahan nitong hinalikan ang mga labi at noo niya. “I love you,” bulong nito.
Nagpatuloy pa rin sa pagbagsak ang mga luha niya. Tumango siya at tinitigan ito.
“Let’s go back,” sabi nito at muling hinawakan ang kamay niya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon