Chapter 15.1

4.2K 80 7
                                    

NAKASUBSOB lang sa unan si Ashlee habang patuloy pa rin sa pag-iyak nang bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Napatingin siya sa Daddy niya nang pumasok ito sa loob at umupo sa gilid ng kama.
"Ashlee," panimula nito. "Talk to me, anak."
Napilitan siyang umupo at harapin ito. "Ano pa bang gusto mo, Dad? Magmamakaawa ka na naman ba? Para baguhin ko ang desisyon ko, para sa imahe ninyo at ng kumpanya ninyo?" sarkastikong tanong niya.
Bumuntong-hininga ito. "Ano bang nangyayari sa'yo? Hindi ka naman dating ganyan. Ano ba ang problema ninyong dalawa ni Raffy?"
"Pagod na ako, Dad. Hindi na lang dapat ako pumayag na ma-engaged sa kanya."
"Bakit? Akala ko ba mahal mo siya?"
Umiling siya.
"Hindi dahil pagod ka na ay kailangan mo ng putulin ang relasyon ninyong dalawa. Sadyang maraming problema ang darating sa inyo. All you need is to stay strong and believe in him."
"Alam ko 'yon, pero lagi na lang trabaho ang nasa isip niya, Dad. He's not acting like he wants me. Kailangan niya ako dahil sa business, alam niyo ba 'yon?"
Umiling ito. "Of course, ganyan talaga ang buhay ng mga businessman. Minsan wala na silang oras sa pamilya, pero para sa kinabukasan niyo rin ang ginagawa niya. Why don't you just stand beside him and support him? Huwag iyong dadagdagan mo pa ang problema niya."
Hindi siya makapaniwala sa mga pinag-sasabi nito. "Kina-kampihan niyo ba siya? Kina-kampihan niyo ang ugali niyang iyon? Ayos lang sa inyo na ang tingin niya sa akin ay isang suporta para sa business niya?" napaismid siya. "Bakit, Dad? Naiintindihan niyo siya dahil ganoon din kayo? Ganoon din ba ang naging trato ninyo kay Mommy? Kaya ba maagang namatay si Mommy, dahil mas inintindi ninyo ang business ninyo at ang tingin niyo lang din sa kanya ay isang suporta! Kaya ganyan kayo ngayon, dahil nagsisisi kayo na hindi ninyo nagawang iparamdam sa kanya kung paano siya dapat pahalagahan at mahalin!"
Galit na napatayo ang Daddy niya. "How dare you talk to me like that, Ashlee?! Hindi kita pinalaki ng ganyan! All these years, ikaw lang ang iniisip ko, ang kapakanan mo! I gave you everything!"
Napahikbi siya. "I never want to turn out like mom. Why do all of you businessmen only think of your businesses?"
"Shut up, Ashlee! Huwag na nating idamay ang mommy mo dito, hindi mo alam kung gaano kasakit sa akin ang pagkawala niya," nasa tono nito ang pinipigil na sakit. "You will never break off the engagement, Ashlee. Makikinig ka sa akin."
Tumingin siya dito, nagmamakaawa. "D-Dad... p-please..."
"No!" matigas na tanggi nito. "Bigyan mo ako ng perpektong rason, Ashlee. Wala ka ng mahahanap na katulad ni Raffy sa mundo, tigilan mo na ang pag-iisip ng kung anu-ano. Walang rason para makipag-hiwalay ka sa kanya, he treats you very well. Siya at ng pamilya niya," aktong tatalikod na ito ng muli itong humarap sa kanya nang may maisip. "Are you..." humugot muna ito ng malalim na hininga bago nagpatuloy. "Tell me, are you having an affair, Ashlee?"
Pinabayaan niya na lang na mag-laglagan ang mga luha sa mga mata niya pero hindi siya sumagot.
"Are you having an affair, Ashlee?" ulit nito sa tanong, tumataas na ang boses nito. "Sagutin mo ako!" bulyaw nito nang hindi pa rin siya sumagot.
Tumango siya, napahagulhol pa siyang lalo. "Y-Yes," bulong niya. "I love him more than I loved Raffy, Dad."
Nanghihinang muling napaupo sa kama ang daddy niya. "Anong sinabi mo?"
Napayuko siya. "I'm sorry, I'm so sorry, Dad... I'm sorry."
"Kanino?"
Umiling siya. Hindi niya puwedeng sabihin dito. Kilala niya ang daddy niya, alam niyang hinding-hindi nito palalampasin ang bagay na iyon.
Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa kanila bago ito muling tumayo at tinungo ang pinto. Agad siyang bumaba sa kama at hinabol ito. Pinigilan niya ito sa braso.
"Dad... please," pagmamakaawa niya.
"Alam ba ni Raffy ang tungkol dito?" tanong nito, nangangatal na ang boses nito. Hindi ito tumitingin sa kanya pero nakita niya sa mukha nito ang matinding galit.
Umiling siya. "Dad, pabayaan niyo na lang ako."
"Tigilan mo na ang kabaliwang ito, Ashlee. Get your senses back!" tumingin ito sa kanya. "Hindi ko gagalawin ang lalaking sinasabi mo kung hindi ka na makikipagkita sa kanya. Hindi mo na rin ipipilit ang pakikipag-hiwalay mo kay Raffy. You will not leave this house from now on without my consent, Ashlee. Naiintindihan mo ba?!"
Napaatras siya sa sinabi nito. "B-Bakit niyo ginagawa sa akin ito?"
"Para sa'yo ito. Gusto kong protektahan ka, Ashlee. Isipin mo kung anong klase ng panloloko ang ginagawa mo. Raffy is very faithful to you, huwag mong dumihan ang ulo niya," wika nito. "Surrender your phone to me, and your car keys. Never try to escape, kung ayaw mong malaman ni Raffy ang mga kalokohan mo at mapilitan akong pabantayan ka sa mga bodyguards mo."
Nanghihina siyang lumakad pabalik sa kama niya pagkalabas nito. Malakas siyang napaiyak. Tama ang ama niya. Isang malaking pagkakamali ang ginagawa niya, Raffy was very faithful to her samantalang siya ay pinagta-taksilan lang ito. Sabihin pa na hindi naman siya nito mahal. Why was this world so cruel? Bakit kailangang matagpuan niya pa ang taong mamahalin niya ng tunay at lubos kung kailan nakatali na ang puso niya sa iba?

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon