Chapter 7.3

4.5K 95 1
                                    

HINDI magawang magalaw ni Ashlee ang pagkaing nasa harapan niya. Kanina pa niya hindi mapigilan ang sariling palihim na sulyapan si Rafael. Ganoon pa rin pala talaga ito kasama, pero ipinagtataka niya kung bakit hindi nito magawang tanggalin ang suot na sombrero kahit nakain.
“Are you okay, babe? Mukhang hindi mo pa nagagalaw ang pagkain mo. May sakit ka ba?” narinig niyang tanong ni Raffy sa kanya.
Napatingin siya dito. “I’m fine,” pinilit niya ang sariling ngumiti.
“Sisimulan na namin ang preparasyon para sa kasal niyo, Raffy. Para naman mabigyan niyo na kami ng apo,” singit ng Mama nito.
Nabitawan niya ang hawak na tinidor sa hindi inaasahang sinabi nito. Natigilan naman si Raffy, pero ang ipinagtataka niya ay ang biglaang pag-angat ng ulo ni Rafael.
Nagtatakang tumingin sa kanila ang Mama nito. “May mali ba sa sinabi ko? Natural lang naman na magpa-kasal na kayo at magka-anak. Kung magpapakasal na rin itong si Rafael, ganoon din ang sasabihin ko.”
“Masyado naman yatang napapadali ang lahat, Mama,” tugon ni Raffy nang makabawi ito. “It takes time.”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon