Chapter 4 Part 5

4.8K 90 2
                                    

PINILI ni Ashlee na maglakad-lakad muna ng umagang iyon para makapag-pahangin. Masyadong marami siyang iniisip kaya nagitla pa siya nang may bumusina sa likod niya. Nalingunan niya si Thaddeus Arzadon na nakadungaw sa bintana ng sasakyan nito, isa rin ito sa mga kabarkada ng fiancé niyang si Raffy at itinuturing niya na ring isang kaibigan. Isa itong abogado, kahit na hindi halata sa itsura at pagkilos nito. Nakilala niya ito nang minsang dalhin siya ni Raffy sa isang party sa kumpanya nito, doon niya rin nakilala ang ilan pa sa mga kabarkada nito.
“A penny for your thought, sweetie?” tanong ni Thaddeus at kumindat sa kanya.
Nginitian niya ito. “Anong ginagawa mo dito, Thaddeus?” Isa sa magagandang qualities nitong si Thaddeus ay napakadaling paki-bagayan ng ugali nito. He could be a friend to anyone kahit na lawyer ito.
“Bakit? Bawal na bang dumaan dito ang mga guwapo?” tumawa ito. Napatawa rin siya sa hirit nito. “Pupunta kasi ako sa kumpanya ni Vince. May kailangan akong tagpuin doon. Want to have a ride? Saan ba ang punta mo?”
“Wala naman, naglalakad-lakad lang. Iyon bang ‘Vince’ na tinutukoy mo ay si Vincent Fabella?” tanong niya. Nabanggit na rin sa kanya ni Raffy noon ang pangalang iyon, sa pagkakatanda niya ay na-meet niya na rin itong minsan sa isang business meeting sa kumpanya ng Daddy niya.
“Oo, bakit?”
“Kaanu-ano niya si Jeremy?” Ano kaya kung ipalakad niya dito si Sophia kung magkamag-anak ang mga ito?
“Mag-pinsan sila,” sagot nito.
That’s great! May magagawa na rin siya. “Puwede bang sumama sa’yo?”
“Sure, bakit hindi?” binuksan nito ang passenger’s door. “Hop in.”
Pagkapasok niya sa loob ay pinaandar na nito ang sasakyan. “Bakit gusto mong pumunta sa kumpanya ni Vince? Saka, anong mayroon kay Jeremy?” pang-uusisa nito.
“Gusto ko lang makausap si Vince, ipapalakad ko sana ang kaibigan ko sa pinsan niyang iyon. Mukha kasing walang balak gumawa ng first move ang kaibigan kong iyon, eh,” sagot niya dito.
Napailing ito. “Mahirap kausapin si Vince ngayon, hectic ang schedule noon. Pero kapag nakasalubong mo, masuwerte ka na. Ipapalakad mo ang kaibigan mo kay Jeremy?” sandali itong napa-isip. “Good luck na lang, mukhang mahihirapan ka diyan.”
Napatingin siya dito. “Talaga? Bakit naman? Mahirap bang i-approach ang Jeremy na iyon?”
“Hindi naman, kaya lang mukha kasing tinamaan na ni kupido ang puso ng kaibigan kong iyon,” napailing pa ito. “Never mind, hindi mo rin maiintindihan kahit i-kuwento ko sa’yo.”
Napalabi siya. “Sayang naman,” napabuntong-hininga siya. Paano na kaya si Sophia ngayon? Sobrang in-love ito sa Jeremy na iyon ng mahabang panahon. Napailing siya, bakit ba siya nakikialam sa damdamin ng iba? Damdamin niya nga ay hindi niya magawang intindihin.
“Pupunta ka ba sa Cebu?” tanong pa ni Thaddeus.
“Cebu? Bakit naman?”
Nagtataka itong tumingin sa kanya. “Hindi ba sinabi sa’yo ni Raffy na bukas na ang birthday party ni Vince sa Hacienda Fabella? I’ll go straight to Cebu after my talk to a client. Nakausap ko si Raffy kahapon, ang sabi niya pupunta raw siya.”
Napatingin siya sa labas ng bintana nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng isang 50-storey building. “Hindi niya pa nasasabi sa akin, maybe tonight.”
Lumabas ito ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Hindi na sila nakapag-usap hanggang sa makapasok sila sa loob. Nauna na itong sumakay ng elevator dahil pupuntahan na daw nito ang kliyente nito. Nagpaiwan na lang siya sa ground floor. Wala na rin namang silbi kahit makausap niya si Vince kaya nag-desisyon na lang siya na umalis. Mabuti pa ang magpahinga na lang siya sa bahay.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon