Chapter 9.3

4.9K 86 2
                                    

NANG-HIHINA siyang napaupo sa sariling kama. Ano ng mangyayari ngayon? Naguguluhan na siya. All she knew was that she was in love with Rafael and she wanted to stay with him for the rest of her life. Pero paano naman si Raffy? Paano na ang fiancé niya? He said not to embarrass him, and breaking off the engagement because of her affair with his twin brother was the biggest embarrassment he could ever get. Kung pinag-isipan niya lang sana ng mabuti ang relasyon niya dito noon, hindi sana siya maguguluhan ngayon. Bakit ba naman kasi nagpalinlang siya sa sinasabi ng isip niya at sa sinasabi ng iba na ito na talaga ang nakalaan para sa kanya? Ano na ang gagawin niya ngayon? She was such a big fool.
Kinuha niya ang cell phone sa loob ng bag. Idi-nial niya ang numero ni Rafael, ipapaalam niya dito kung ano ang napag-usapan nila ni Raffy kanina. Kumunot ang noo niya dahil un-attended ang phone nito. Aktong ko-kontakin niya ulit ito nang makarinig siya ng pagkatok sa pinto.
Tumayo siya at lumapit sa pinto. Isa sa mga katulong nila ang napag-buksan niya.
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo sa ibaba,” sabi nito.
“Sino daw?” Sino kaya ang maghahanap sa kanya ngayon?
“Kaibigan niyo daw po.”
“Sige, salamat,” pagkasabi noon ay dumiretso na siya sa ibaba. Nagulat pa siya nang makita kung sino ang bisitang nasa living area. It was Sophia, may kasama itong isang babae na hindi niya kilala. “Sophie?”
Napalingon ito sa kanya at agad na tumayo nang makita siya. Ngumiti ito. “Ashlee,” bati nito.
Tumakbo siya patungo dito at niyakap ito ng mahigpit. “Oh my gosh, how are you?” Matagal-tagal na rin niya itong hindi nakikita at nakakausap. Mabuti naman at lumabas na ito at mukhang hindi na depressed.
“I’m good, ikaw? How’s your life as a soon-to-be wife? I’m sorry nga pala kung hindi na ako nakapagparamdam sa iyo,” anito.
“It’s okay. I’m still the same. Ayos ka na ba talaga?”
Tumango si Sophia. “Yeah, I’m fine now,” ngumiti pa ito.
“I can see that,” tinitigan niya ang kabuuan nito. “You look very beautiful.”
“Thank you and you look blooming, too. Mukhang hiyang na hiyang ka na sa pakikisama kay Raffy, ah? You look very happy with him,” puna nito.
Iniiwas niya ang tingin dito. “Y-Yeah,” napatingin siya sa kasama nito na nakaupo sa sofa.
“Oh, by the way,” sabi nito. “Ashlee, this is my friend, Rachel Leigh Villanueva. Rachel, this is my best friend-slash-business partner, Ashlee Fortich,” pagpapakilala nito sa kanila.
Nginitian niya ang Rachel na iyon. “Hi,” bati niya dito.
Tinanguan lang siya nito habang sinusuri siya ng tingin.
Sinuri niya rin ang kabuuan nito. The first thing that came in her mind as she looked at her was a ‘bad girl’. Maikli ang buhok nito na umabot lang sa leeg nito, it was colored light brown with red highlights on both sides. She wore military pants, accompanied by a military boots and a black leather jacket. But she was indeed very beautiful, na-emphasize ang magandang light-brown eyes nito dahil sa black eye-liner sa mga mata nito. She also had a fair complexion, and despite her clothes, she knew she had sexy curves. She had pink lips na ngumunguya ng chewing gum. Iniiwas niya ang tingin dito, para kasing binabasa nito ang tumatakbo sa isipan niya.
“Pasensiya ka na dito kay Rachel,” putol ni Sophia sa katahimikan. “Mabilis talaga siyang maka-intimidate ng tao pero mabait naman ‘yan.”
Ngumiti siya. “Gusto niyo ba ng maiinom?” alok niya sa mga ito.
Umiling lang si Sophia. “Hindi na, dumaan lang naman kami para makita ka.”
Tumango siya. “Babalik ka na ba sa restaurant?” Matagal din itong natigil sa pag-bisita sa restaurant nila dahil nga biglaan na lang itong hindi nagparamdam.
“Siyempre naman, matagal na rin akong nagpahinga,” sagot nito.
“Mabuti naman, wala akong makausap doon, eh. Ahm, ano nga pala ang pinagkaka-abalahan mo, Rachel?” baling niya dito.
“I’m in a rock band, nagpe-perform kami sa mga clubs at sa kahit saang events na mapagkaka-kitaan,” sagot nito.
Tumango lang siya. So, kaya pala ganoon itong magdamit. She looked very confident when she speaks, parang napaka-strong ng personality nito. “I see. You can perform in our restaurant if you want to,” alok niya.
“That’s cool,” simpleng sagot nito.
“Iyon nga rin ang sabi ko sa kanya, Ash,” singit ni Sophia. “She’s good, siguradong mada-dagdagan ng buhay ang restaurant natin.”
“Gaano na nga pala kayo katagal magkakilala?” tanong niya dito. Curious lang siya kung bakit may ganitong klase ng kaibigan si Sophia. Puro kasi high class tingnan ang mga kilala niyang kaibigan nito. This one was different.
“I met her last week, sa isang bar. I was too depressed back then at siya lang ang nakausap ko ng gabing iyon. Ayoko na namang abalahin pa kayo.”
“Hindi ka naman nakaka-abala sa akin, Sophie. You should have called me,” sabi niya dito. Hindi niya alam kung ano ang naging problema ng kaibigan niyang ito, hindi rin naman nito sabihin sa kanya. Ang alam niya lang na posibleng dahilan ay ang pagpapakasal ng lalaking matagal na nitong gusto, si Jeremy.
“I know, but I’m okay now. Huwag ka ng mag-alala. Siyanga pala, kumusta na si Raffy?” tanong nito.
“H-He’s doing good, busy pa rin sa work katulad ng dati,” bigla siyang naging uncomfortable sa pagpapalit ng usapan.
“Wala pa rin talaga siyang pinagbago, pero kailan niyo ba balak magpa-kasal? Ilang months na rin kayong engaged, ah,” patuloy na pang-uusisa nito.
Natigilan siya sa tanong nito. Hindi niya alam kung ano ang isasagot, kung puwede nga lang na sabihin niya dito ang pinagdadaanan niya ngayon.
“Hey,” putol nito sa pagka-tulala niya. “Ash, are you alright?” nag-aalalang tanong nito.
Napatingin siya kay Sophia. “Y-Yeah? I’m sorry, you were saying?”
“Are you sick?” tanong nito.
Umiling siya. “No, I’m fine. Marami lang akong iniisip s-sa work.”
Ngumiti si Sophia. “Nahawa ka na yata sa fiancé mo. Take it easy, Ash. Nandito na ako para tulungan ka ulit.”
Nginitian niya rin ito. “Thanks. Kumusta na nga pala si Jessie?” naisipan niyang itanong dito. Matagal na ring hindi nagpaparamdam sa kanya ang kapatid nito.
Nagtaka siya sa biglaang pagkawala ng ngiti ni Sophia. Itatanong niya sana dito kung ano ang nangyari nang makarinig sila ng pagtunog ng doorbell.
Agad siyang tumayo at sandaling nagpaalam sa mga ito bago tumungo sa gate. Nagulat pa siya ng mapagbuksan si Thaddeus doon. He was wearing a gray tuxedo and that sweet smile of his.
“Hi, sweetie,” bati nito. “It’s nice to see you, again.”
“Hi, anong ginagawa mo dito?” nagtataka niyang tanong dito. “And what’s with the get-up?”
“May party sa bahay ni Michael ngayong gabi. Akala ko ba nasabi na sa’yo ni Raffy ang tungkol doon?” sagot nito.
“Ah,” naalala niya. “Nasabi niya na nga sa akin kanina. So? Anong ginagawa mo dito?”
Napabuntong-hininga ito. “Well, I’m going to be your handsome chauffeur for the night,” bored na sagot nito. “Tumawag sa akin si Raffy kanina, hindi na daw siya makakadaan dito para sunduin ka dahil maraming paper works sa opisina niya. Male-late daw siya ng kaunti sa party. Got it? So, puwede na ba akong pumasok?”
Napailing siya. “Sure,” niluwagan niya ang pagkakabukas ng gate para makapasok ito. “Behave, may mga bisita ako,” warning niya dito.
“Babae?” excited na tanong nito.
Tiningnan niya ito ng masama.
“Fine,” ipinaikot pa nito ang mga mata.
Pagkapasok nila ay agad na napatingin sina Sophia at Rachel dito.
“Hey,” sabi niya. “Here’s Thaddeus. Sundo ko para sa party mamaya kina Michael. You already knew him, right, Sophia?”
Tumango lang si Sophia at ngumiti kay Thaddeus. “Nice to see you again, Thaddeus.”
“Hey,” ganting bati ni Thaddeus dito. “It’s been a long time, huh? Bigla ka na lang nawala, but you still look good.”
“Thank you, you look good yourself, too.”
“I know.”
Hindi niya napigilan ang pag-ngiti sa sagot na iyon ni Thaddeus. “Maupo ka na nga,” utos niya dito.
“Wow,” narinig pa niyang pagpapatuloy nito. “Who’s this beautiful lady over here?” Sinuri nito ang kabuuan ni Rachel at agad na lumapit sa kinauupuan nito. Inayos muna nito ang suot na tuxedo bago inilahad ang kamay. “I’m Attorney Thaddeus Arzadon. And you are?” malambing na tanong nito.
Napailing siya. Hindi talaga nagpapalampas ng babae itong si Thaddeus. Pero ikinagulat niya nang makita ang pagngiti ni Rachel at pagtanggap nito sa pakikipag-kamay ni Thaddeus.
“I’m Rachel. Rachel Leigh,” pagpapakilala nito.
“What a beautiful name for a very beautiful lady like you,” sabi ni Thaddeus at malambing na hinalikan ang kamay ng babae. “I hope that this won’t be the last time to see your beauty.”
“Yeah, I hope so,” sagot ni Rachel Leigh at marahang binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Thaddeus.
Lumingon sa kanya si Thaddeus. “Can I have a cup of coffee, Ash?” umupo ito sa katapat na sofa ni Rachel. “Inaantok kasi ako, baka mawalan ako ng energy sa party mamaya.”
Tumango na lang siya at lumakad patungo sa kusina. Tumingin ulit siya sa mga ito, nakita niyang busy na sa cell phone nito si Thaddeus. Pero nakatingin pa rin si Rachel Leigh dito. Nakangiti pa rin siya hanggang sa makapasok sa kusina at sinimulan ang pagtitimpla ng kape. Ang bilis talagang maka-attract ng babae ni Thaddeus. Well, lahat naman ‘ata ng mga ‘breakers’ na ikinuwento sa kanya ni Rafael kanina ay matinik pagdating sa babae. Masisisi niya ba ang mga ito? They all had the looks, the charm, the money and the power. Sino ang hindi mahuhulog sa mga ito?

Author’s Note: The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 and Batch 2 are still available in Precious Pages Bookstores and National Bookstores nationwide. Sana ay makabili rin kayo ng book.

Released na rin po sa mga bookstores ang bago kong novels: The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 9: Dave Talisen & The Silent Crying. Hope you can grab a copy! Thanks so much for the support.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon