Chapter 6.2

4.6K 96 1
                                    

INILAPAG ng isa sa mga employee ni Rafael sa ibabaw ng mesa niya ang ilang mga blueprints.
“Engineer, ito na po ang mga disenyo ng hotel na gustong ipagawa sa inyo nina Mr. and Mrs. Smith sa New York,” imporma nito sa kanya.
“Iwan mo na lang diyan,” utos niya dito. “Mayroon pa ba?”
“May naghahanap po sa inyong babae sa labas,” sagot nito.
Napatingin siya dito. “Babae? Sino daw?”
“Hindi po sabihin ang pangalan. Gusto niya lang daw po kayo makausap.”
Tumango siya. “Let her in.”
Agad naman itong sumunod. Ilang sandali lang ay pumasok na ang babaeng tinutukoy nito, mukhang college student pa lang ito.
“Have a seat,” itinuro niya ang isang upuan sa tapat ng mesa niya. “You are?”
Umupo ito. “Ciarrah. Ciarrah de Angelo. You’re Engineer Rafael Choi, right?”
“Yeah, anong kailangan mo sa akin?”
“Isa akong engineering student. Nagpunta ako dito para makilala ka, I’ve been reading articles about you and I am very impressed. I want to be like you. I want to know the secret behind your success,” sagot nito.
Tumawa siya. What a cute girl. Bahagya niyang inilapit ang mukha dito. Nakatitig lang ito sa kanya. “I’m flattered,” bulong niya.
“Wow,” may pagkamangha sa mukha nito. “You’re really handsome.”
Sumandal siya sa upuan at napabuntong-hininga. “Listen, if you really want to do something, just do it. But always remember to take good care of your health, engineering requires a lot of mental and physical energy,” ngumiti siya. “You need to take risks in engineering. Just like how you take risks in love and life. Huwag kang matakot. You can do anything if you set your eyes and heart on it. Success is as simple as that.”
Napatulala ito sa kanya. “Sana makapag-asawa ako ng katulad mo. Too bad, you’re already taken.”
Napatingin siya dito. “How did you—”
“The ring on your finger,” tukoy nito sa engagement ring na ipinahiram sa kanya ni Raffy para sa pagpapanggap niya. “That’s an engagement ring, right? Nakita rin kita at ang fiancée mo sa Batanes. Ang hotel na tinuluyan niyo ay sa Daddy ko,” tumayo na ito. “Thanks for everything you just said, handsome engineer. Aalis na ako. Kahit na gusto ko pang mapagmasdan ang kaguwapuhan mo, ayoko namang maabala pa ang trabaho mo. Hope to see you again,” she blew a flying kiss before leaving.
Napangiti na lang siya. A very nice and active girl, he hoped everything would turn good for her. Napangiti siya. Muling bumalik ang isip niya kay Ashlee.
“I love you, too,” bulong nito.
Of course, hindi iyon para sa kanya. Si Raffy lang naman ang minamahal nito, pero wala na siyang pakialam doon. Having good times with her was enough. Kinuha niya ang cell phone sa bulsa para tawagan ito.
Napatingin siya sa may pinto nang muli iyong bumukas. Dumulas sa kamay niya ang hawak na cell phone nang makilala kung sino ang pumasok. No…

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon