Chapter 1 Part 6

5.8K 98 1
                                    

MULING isinuot ni Rafael ang leather jacket na suot niya kanina at lumabas ng guest room. It was already past midnight. Napatigil siya sa sala nang makasalubong niya ang kanyang mama.
“Rafael, saan ka pupunta?” tanong nito.
“Magpapahangin lang, nakaka-bored tumambay sa loob ng kuwarto. Magkita na lang tayo sa umaga, Ma,” paalam niya dito.
Naglakad na siya palabas, hindi niya na pinansin ang pagtawag pa rin nito sa kanya.
Mas pinili niyang sumakay sa kanyang black BMW Motor Bike kaysa sa kotse at agad na pinaharurot paalis. Isa lang ang maaari niyang puntahan ng mga oras na iyon.
Ipinarada niya ang motor sa tabi ng isang black Jaguar. Kasabay niya pang bumaba ang may-ari ng sasakyang iyon.
“Whoa, nananaginip ba ako?” bati sa kanya ng kaibigan niyang si Vincent Fabella, isa itong business man. “Nandito ka ba talaga, Rafael?”
Tinanggal niya ang suot na helmet. “Yeah, good to see you here, pare,” pagkabati niya dito ay tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob ng Society Hotel, pagmamay-ari ito ni Christopher Samaniego Jr., a business tycoon na founder din ng samahan nila – The Breakers Corazon Sociedad. Isang society para sa mga bachelors that were million-earners. There were currently ten members in that society, including him and his twin brother, and they were called the ‘breakers’. Kasunod niya lang si Vince – isa rin ito sa members ng society nila.
Tinapik siya nito mula sa likod. “I need to go, may business meeting pa ako dito with Justin. Let’s have drink sometime, okay?” Isa sa purpose ng hotel na ito ay para may pribadong lugar sila para sa business. Pero hindi iyon ang dahilan niya ngayon, he wanted to unwind and calm himself. This place was the best place if they wanted to be alone dahil siguradong walang makikialam sa’yo.
Tinanguan niya lamang ito. Pagkaalis nito ay nakasalubong niya naman si Christopher malapit sa elevator.
“Rafael, anong ginagawa mo dito?” tanong nito.
“I just want to have a drink, Chris,” sagot niya.
Tumaas ang isang gilid ng bibig nito. “Problema?” tinapik nito ang balikat niya. “Don’t worry, pare. Maayos din ang lahat,” iyon lang at nagpaalam na ito. Nagpatuloy na rin siya sa paglalakad at dumiretso sa private bar ng hotel na iyon. That bar was designed for the ‘breakers’ only.

Author’s Note: This story (Rafael and Ashlee’s story) is still available in Precious Pages Bookstores nationwide along with the other books of The Breakers. Hope you can also grab a book copy. Thank you. Please bear with my inconsistent, slow update. Medyo busy kasi ako sa mga ipapasa kong novels for publishing. I am currently writing The Breakers Corazon Sociedad Batch 2 Book 10: Brandon Wesley Scott. Abangan din ang paglabas ng Breakers Batch 2 Book 9: Dave Talisen sa mga bookstores.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon