Chapter 4 Part 6

4.6K 98 1
                                    

NAPABANGON si Ashlee mula sa pagkakahiga sa kama. Hindi niya magawang makatulog, hindi niya alam kung nakauwi na ba ang ‘fiancé’ niya. Baka pumunta talaga ito sa Cebu, sa pagkaka-alam niya ngayon na ang kaarawan ni Vince. Hindi talaga siya nito isinama. Wala na ba talaga siyang halaga dito kaya nagagawa na lang siya nitong iwanan?
Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Alas-diyes na ng gabi. Bumuntong-hininga siya at lumakad patungo sa guest room. Sumilip siya doon at nakitang walang tao sa kama, hindi man lang siya nito naisipang tawagan. Pumasok siya sa loob ng kuwarto at lumapit sa lampshade na katabi ng kama na nagsisilbing ilaw doon. Akmang papatayin niya na iyon nang marinig niyang may nagsalita.
“What are you doing here?” said a husky male voice.
Napatigil siya sa pagpindot ng switch ng lampshade at napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si ‘Raffy’ na nakaupo sa isang sulok. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito. Her heart was hammering in her chest wildly. Was this some kind of a déjà vu?
Tumayo ito mula sa pagkakaupo at dahan-dahang lumapit sa kanya.
“Akala ko nasa party ka ni Vince,” mahinang sabi niya.
He closed the distance between them and she could now feel the warmth coming from his body. “Bakit naman ako pupunta doon at iwanan ka dito?”
She was touched on what he said. “Anong ginagawa mo sa sulok?”
“Thinking,” maikling sagot nito.
Tumango na lang siya. “Matulog ka na, magpapahinga na rin ako. Thank you for staying here with me.”
Hahakbang na sana siya palabas nang muli itong magsalita.
“Ashlee,” bulong nito.
Napatigil siya sa paghakbang at napatingin dito. Nakayuko ito. Why did it seem like he was… he was Rafael? Pero paano mangyayari iyon? Bata pa siya nang huli niyang makita ito.
“Hindi ako makatulog,” pabulong na dugtong nito. “Sleep here.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan iyon.
Direkta itong tumingin sa mga mata niya. “Will you?” pagmamakaawa nito.
Napangiti siya at napatango. Kinagat niya ang pang-ibabang labi, napaka-imposible na maging si Rafael ito. That guy never begged on her, ni hindi nga nito siya gustong makausap. Magka-parehas lang siguro talaga ang mga ito. Bakit niya ba iniisip ang lalaking iyon? Wala naman itong ginawang maganda sa kanya.

AUTHOR’S NOTE: Hey! Hey! Thanks so much for reading this far. Rafael Choi’s story is still available in Precious Pages Bookstores, along with the other books of The Breakers Series. Sana po ay makabili kayo ng copy. ^^ Latest release ng The Breakers ay ang kay Lance Barrera (TBCS Batch 2 Book 8). Available din po ang iba ko pang novels sa Precious Pages Bookstores, National Bookstores katulad ng Cold Eyes Saga, Sweet Coffee Princesses, Party of Destiny, The Silent Attack.

Malapit na rin pong lumabas as a published book ang completed novel ko dito sa wattpad – ang Her Master – under LIB Bare. Sana po ay makabili kayo ng copy. Maraming salamat. – VJ.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon