Chapter 16.2

4.1K 76 1
                                    

BUMABA sa hagdan si Ashlee at lumakad papunta sa living area. She was wearing a simple dress and flat sandals. She did not overdo herself para hindi mapansin ng mga ito na pinaghandaan niya ang paglabas na iyon. Ayaw niyang magka-hinala ang daddy niya sa tunay na pupuntahan nila. Lumapit siya sa sofa kung saan nakaupo sina Sophia, Raffy at ang Daddy niya. Mukhang nagkakatuwaan pa ang mga ito sa pinag-uusapan.
“Ash,” si Sophia ang unang nakapansin sa kanya. “Nakausap ko na si Tito Ramon, pumayag na siyang lumabas tayo basta daw ibabalik kaagad kita dito.”
Hindi niya ipinahalata ang tuwa sa narinig. Tumango lang siya at nagpasalamat sa Daddy niya.
“It’s okay, anak. Sabi nga nitong si Sophia, kailangan mo ring makapag-relax ng kaunti,” sabi nito. “Just make sure na kakain ka sa pupuntahan niyo. Hindi na ba masama ang pakiramdam mo?”
“Hindi na po,” sagot niya at sumulyap kay Raffy na nakatingin lang sa kanya.
Muling ibinaling ng daddy niya ang atensiyon kay Sophia. “Basta babantayan mo itong anak ko, ha, hija? Huwag na rin kayong masyadong magtagal at malapit ng gumabi. Ituloy mo na lang ang ikinu-kuwento mo tungkol sa kumpanya mo sa muli mong pag-bisita.”
“Yes, Tito,” tumayo na si Sophia. “Aalis na po kami para hindi na kami masyadong gabihin sa pagbalik. Thanks again, Tito,” inilipat nito ang tingin kay Raffy. “Raffy.”
Tumango lang si Raffy at tumuloy na sila sa paglabas.
Pagkapasok nila sa kotse nito ay hindi niya na pinigilan ang pag-ngiti. “Thank you so much, Sophie. Akala ko hindi mo mapapapayag si Daddy.”
Ngumiti si Sophia at sinimulan ng paandarin ang saakyan. “Ako pa? Alam mo namang close kami ni Tito dahil nasa business din ang profession ko. Of course, ipagkaka-tiwala ka niya sa akin.”

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon