Chapter 3 Part 1

5.1K 98 2
                                    

TAPOS nang maghanda ng umagahan si Ashlee pero hindi pa rin bumababa mula sa guest room si ‘Raffy’. Baka ma-late na ito sa trabaho nito kaya napilitan siyang akyatin na ito at gisingin.
Pagkapasok niya sa guest room ay wala siyang nakitang tao doon, ayos na ayos pa rin ang kama nito. Nakaalis na kaya ito?
Bumaba siya ng hagdan at tumuloy sa kusina.
“Manang, nakaalis na ba si Raffy?” tanong niya sa katulong na nandoon.
“Hindi pa po ‘ata, baka po nasa study room pa rin,” sagot nito.
“Study room?” ulit niya.
“Opo, doon po kasi siya tumuloy pagkakain niya kagabi.”
“Sige, salamat,” pagkasabi noon ay tumuloy na siya sa study room. Pagkabukas niya ng pinto ay bahagya siyang sumilip doon at agad niya namang nakita si ‘Raffy’. Nakatulog na ito sa silyang nandoon at nakasubsob sa study table. Maraming nakakalat na papel malapit dito.
Tahimik siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Hindi na ito nakapag-palit ng damit. Tinitigan niya ang natutulog nitong mukha at napangiti. She was very lucky to have him. Marahan niyang hinaplos ang mukha nito, may ilang stubbles nang tumubo malapit sa mga labi nito. He still looked incredibly handsome. Lumipat ang tingin niya sa mga papel malapit dito. Kumunot ang noo niya sa nakita. Bakit puro blueprints ang nandoon? May ilang libro din ng engineering ang nakabukas.
Bakit naisipan nitong mag-aral ng tungkol sa engineering? Kailangan ba iyon sa talent agency nito?
Bahagya siyang napalayo dito nang maramdaman ang pag-galaw nito. Binuksan nito ang mga mata at nakita siya. Napabalikwas ito at mabilis na inayos ang mga kalat sa mesa. “Kanina ka pa dito?”
“H-Hindi naman. Gi-Gigisingin sana kita,” muli siyang napatingin sa mga inaayos nito. “Ano ang gagawin mo sa mga iyan?”
“Dito?” napakamot ito sa ulo. “Wala naman, pinag-aaralan ko lang magbasa ng isang blueprint. Kumain ka na ba?”
“Hindi pa, pero handa na ang almusal. Gusto mo na bang kumain?”
Pagkatapos nitong maayos ang mga kalat sa ibabaw ng mesa ay tumingin ito sa kanya. “Ikaw ba ang nagluto?”
Ngumiti siya. “Nasarapan ka ba sa niluto ko kagabi?”
Tumayo ito. “Yes,” sagot nito. Hinawakan nito ang baba niya para bahagyang maitaas ang mukha niya. “You cook very well, sweetheart,” bulong nito bago ngumiti. Hinawakan nito ang kamay niya. “Pakainin mo na ako, nagrereklamo na ang tiyan ko.”
Nagpatangay na lang siya dito palabas ng study room. She was dazed. Sweetheart? That was the first time he used an endearment for her. She looked at their clasped hands, bakit kaya ganito ang nararamdaman niya ngayong magkahawak ang mga kamay nila. She never felt like this before, parang bago para sa kanya ang lahat. Inilipat niya ang tingin sa mukha nito, hindi naman ito ganito noon.
Bigla na namang nagkagulo ang tibok ng puso niya nang tumingin din ito sa kanya. “Stop staring at me, baka matunaw na ako niyan,” biro nito.
Pinagtaasan niya ito ng kilay. “Masama bang titigan ang fiancé ko?”
Nag-iwas ito ng tingin. “Do you want to see the ocean?” pag-iiba nito sa usapan.
Nagtaka siya sa pag-seryoso ng mukha nito. “Saan naman?”
“May kakausapin kasi ako sa Batanes mamaya, isasama na kita.”
“Sa Batanes? Ang layo naman ‘ata.”
“We’ll take the helicopter para mabilis ang biyahe natin,” sagot nito na ipinagtaka niya.
“Helicopter? Marunong ka bang magpatakbo noon?” Ngayon niya lang narinig mula dito ang bumiyahe gamit ang helicopter na ito mismo ang magpapatakbo.
Napatingin ito sa kanya. “Y-Yeah, trust me,” iyon lang at hindi na muli ito nagsalita.

Author’s Note: The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 and Batch 2 is still available in Precious Pages Bookstores or National Bookstores. Hope you can grab a copy.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon