Chapter 16.6

4.2K 90 6
                                    

PAGKALABAS ni Ashlee ng banyo ay nakita niyang nakabihis na rin si Rafael at nakaupo sa kama. Tumayo ito nang makita siya. Lumapit siya dito at niyakap ito ng mahigpit. Ginantihan nito ang yakap niya. She thought of telling him her condition – of the possibility of her being pregnant – pero nag-dalawang isip siya dahil hindi pa naman siya sigurado doon. Kukumpirmahin niya muna iyon.
Bahagya siya nitong inilayo. “I’ll process our leave tomorrow, sweetheart,” wika nito. “Gagawin ko ang lahat para mapadali ang pag-alis natin. Wala na akong pakialam kung magalit man si Raffy o ang pamilya ko sa akin. I’ve kept my feelings for you for a long time because I thought that you’re happy with him. Akala ko, magagawa ka niyang pahalagahan at mahalin ng higit pa sa pagmamahal ko,” tinitigan nito ang mga mata niya ng mahabang sandali. “But I saw your tears; I saw your sadness… your pain. I tried to hold back but it’s no use. I’ve had enough, I’m going to take you now.”
Ngumiti siya.
Ngumiti din ito, that smile that took away all her sufferings and miseries, her sadness and worries. “Let’s go, pasasalamatan pa natin ang kaibigan mo.” Sumunod siya dito nang lumakad ito papunta sa may pinto.
Nagtaka siya nang mapatigil ito pagkabukas ng pintuan. Napatingin siya sa harap at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang nakatayo na doon ang Daddy Ramon niya, nasa likuran nito si Raffy. Malinaw na malinaw sa mukha ng ama niya ang galit na nararamdaman, wala namang ka-emo-emosyon ang mukha ni Raffy.
Bumalot ang takot sa buong pagkatao niya. “D-Dad…” nanginginig ang boses niya. She never felt this kind of fear in her life before.
Lumakad ito palapit sa kanya at isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa mukha niya. Mabilis na lumapit sa kanya si Rafael at niyakap siya palayo dito. Hindi niya na napigilan ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
“Sir, please… walang kasalanan si Ashlee dito,” narinig niyang wika ni Rafael sa daddy niya.
“I don’t need your explanation, Rafael!” pagalit na sabi ng kanyang ama at sapilitan siyang kinuha sa mga bisig nito. “Bitiwan mo ang anak ko!”
“Dad… no,” pagmamakaawa niya. Nakita niya ang pagpasok ng dalawang bodyguards sa loob at sapilitan siyang inilayo kay Rafael palabas ng kuwarto. “D-Dad, don’t do this…” pinilit niyang kumawala sa mga kamay ng mga ito.
Aktong lalapit ulit sa kanya si Rafael nang harangan ito ng ama niya. “S-Sir… I love your daughter.”
“Hindi mo alam kung ano ang maaari kong gawin sa’yo,” banta ng Daddy niya, pigil na pigil nito ang galit.
“Dad!” sigaw niya. Pilit siyang kumakawala sa dalawang lalaking may hawak sa kanya, pero lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak ng mga ito.
“Ni minsan hindi man lang sumagi sa isip ko na ikaw pa ang gagawa ng ganito!” pagpapatuloy ng daddy niya na parang hindi siya naririnig. “Nagawa mong ahasin ang babae ng kapatid mo?! Nasaan na ang pinag-aralan mo?!”
“I’m sorry, Sir,” napayuko si Rafael. “Hindi ko intensiyong agawin siya. Pero nagmamahalan po kami—”
“Wala akong pakialam! Hindi niyo man lang ba naisip ang kahihiyang maidudulot nito sa amin?! Sa mga magulang mo?! Hindi ka na ba nag-iisip?” humugot ng malalim na hininga ang Daddy niya para kalmahin ang sarili. “From now on, you will never see my daughter again!”
“Dad! Dad, please… please,” pagmamakaawa niya. “I love him, Dad. Hayaan niyo na lang kami,” wala na siyang pakialam kung sino man ang naroroon, kahit na si Raffy.
Pagalit na humarap sa kanya ang Daddy niya. “You shut up, Ashlee! Hindi mo alam kung ano ang pinag-sasasabi mo! Ano ba ang pinakain sa’yo ng lalaking ito para gumawa ka ng kahihiyan?! Hindi ka namin pinalaki ng Mommy mo ng ganyan! Hanggang kailan mo pa balak ituloy ang kasinungalingan at mga panloloko mo sa amin ng fiance mo? Kung hindi ko pa nalaman sa kaibigan mong si Sophia na nakipagkita ka sa lalaking ito ngayon, patuloy niyo pa rin kaming lolokohin?”
Natigilan siya sa narinig. Namanhid yata ang buong katawan niya. Hindi niya alam kung gumagana pa ba ang utak niya ng mga oras na iyon. Si Sophia? No… How can- How can she do this to me? Pakiramdam niya ay nanghihina na ang mga tuhod niya at hindi niya na kaya pang tumayo.
“Get her out of here,” narinig na lang niyang utos ng daddy niya sa mga bodyguards na may hawak sa kanya.
Sapilitan siyang hinila ng mga bodyguards palayo, kasunod lang nila ang daddy niya. Muli niyang nilingon si Rafael, nakita niya ng tangka pa nitong sundan siya pero pinigilan ito ni Raffy sa balikat. Rafael… I love you. I love you so much, iyon lang ang mga salitang tumatakbo sa isip niya ng mga sandaling iyon. Alam niyang tapos na ang lahat, ito na siguro ang parusa para sa kanya.

[Completed] The Breakers Corazon Sociedad Series Batch 1 Book 2: Rafael ChoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon