(katulad ng dati...)
Katulad ng mga unang hinala, walang kaamor-amor sa akin ang pagsulat. Sinubukan kong ligawan ang pagsulat ng maikling kwento pero hindi yata nila ako type — wala kasi akong dating — kaya ayun, busted! (Gayunpaman, may naisulat na akong mga katha na pumasa naman sa panlasa ng mga piling kaibigan at peksman, wala akong binayaran ni isa man sa kanila!)
Dahil sa hindi magandang karanasan sa maikling kwento, sinubukan ko ang paggawa ng mga dagli : mga kwentong mas maikli pa sa maikling kwento. Nai-publish ko ang mga iyon dito sa Wattpad sa ilalim ng pangalang "Bitter H.E.A.R.T.S". Acronym ang H.E.A.R.T.S. dahil ang mga letrang ito ay ang unang titik sa bawat pamagat ng bawat dagli. Sa kasalukuyan, wala na ang mga dagling iyan dahil binura ko na silang lahat. Kung bakit...bakit hindi?
Tulad ng inaasahan ng isang katulad kong baguhan, para yatang wala akong ibubuga sa panitikan. Mahal ko ang panitikan. Naeenganyo akong sumulat kahit na garapal ang mga gawa ko. Laglag man ako sa balarila at kung ano mang anek-anek sa pagsusulat, magsusulat parin ako. Pakiramdam ko kasi may kakayahan ako — may kakayahan talaga ako. (sige na, hayaan niyo na akong mangarap...)
Oh siya, siya, siya. Nandito na tayo. Hindi ko na patatagalin...maengganyo ko sana kayo.
BabaengWalangDating
July 19, 2014
7:07 PM
BINABASA MO ANG
Spirito ng Kape
PoetryKalipunan ng mga tula at prosa na hinugot mula sa ulong lango sa spirito ng kapeng nilamig.