PALASAP

277 12 8
                                    

Sa papel na naghihintay at sa bolpeng nakatanga

Sa astang-manunulat na nakatengga sa kama

Sa mga nagdaang gabing walang tulog

Sa kadilimang naguguhitan ng mailap na kidlat at kulog

Sa naalimpungatang diwang-wala-sa-hulog

Sa kapeng lumamig dahil sa hamog

Kaluluwa'y kumawala...

Lumipad; ibon ang kapara...

Mabilis, matayog, malaya

Lumikha ng magarang mundo ng haraya

Sumama ka sa akin

At ating lasapin

Ang kalayaang walang katapusan

Ang imahinasyong walang hangganan

Halika na at sumama

Dahil

Hinihintay na kita

Aking sinta

Spirito ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon