NA-MISINTERPRET
Tinanong kita
Kung ano ang
Gusto mong
Tula
Ang sabi mo'y
"Gusto Kita"
Nagulat ako
Nabigla
Parang napahinto
Ang aking
Paghinga
"Totoo ba ito?"
Ang sabi ko sa
Sarili ko
Ngumiti ka
At natauhan ako na
Oo nga pala
Tula ang itinatanong ko
At hindi
Kung ano ang nararamdaman mo
Para sa akin
Na pa,"Ah Gusto kita"
Rin ako at napailing
Napangiti pero pilit
Ay! Kung alam mo lang
Kung alam mo lang sana...
***
''Ah Gusto Kita"
Ang iyong sagot
Mapapatalon na sana ako sa tuwa
Kaso nakita kong
Hindi mo ako
Naintindihan
Sabay pa tayong napangiti tuloy
Ay! Kung alam mo lang
Kung alam mo lang sana...
Author's Note: There is really a poem entitled "Gusto Kita". It could be found in Green Harvest: Anthology of Winning Pieces of De La Salle University's Malate Literary Portfolio.
BINABASA MO ANG
Spirito ng Kape
PoetryKalipunan ng mga tula at prosa na hinugot mula sa ulong lango sa spirito ng kapeng nilamig.