XI. AKO SI SAPPHO

85 4 0
                                        

AKO SI SAPPHO

Hindi ako taga-Lesbos –

        Ni isang tanyag na manunulat

        Ni hindi isang hinahangaang manunula

        Ni isang respetadong tao

Isa lamang ako sa karamihan –

        Isang taong nagtitiyaga

        Sa pagtitipa

        Ng mga salita

        Ng mga tula

        Sa makinilya

Hindi ako siya pero

Sa aking pananaw

Ako ang kanyang hinaharap

At siya naman ang aking nakaraan

Nasa magkaibang panahon

Pinag-isa ng tadhana

Na may iisang tunguhin

Ang sumulat ng mga tula't prosa

Para sa kanyang minamahal

Na kailanman ay di niya maaring makasama –

        Ni mapag-alayan ng matatamis na salita

        Ni maawitang ng isang kanta

        Ni malagaan

        Ni maaring hagkan

Iisa kami –

        Isang kapalaran

        Isang daan

        Isang katauhan

Spirito ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon