XII. WALANG MALISYA

86 7 5
                                        

WALANG MALISYA

Hindi ko na lang papansinin...

                ang panaka-nakang sulyap mo sa akin

                ang pangiti-ngiti mo sa akin

                ang paminsan-minsang titigan natin

        Walang malisya yun dahil...

                hindi mo iyon sadya at nagkataon lang na nahuli kita

                pinipilit mulang ipakitang natawa ka sa jokes

                        ko para di ako mapahiya

                ganun talaga pag nag-uusap tayo nang hindi nagsasalita

Hindi ko na lang papansinin...

                ang paghawak mo sa aking kamay

                ang paghagod mo sa aking buhok

                ang maya't mayang pagtawag mo sa aking pangalan

        Walang malisya yun dahil...

                nagbatian at nag-apir lang tayo

                sinusuklay mo lang ang buhok kong magulo

                sabi mo may kailangn ka kamo

Hindi ko na lang papansinin...

                ang mga biro mong nakakakilig

                ang pagsuyo mo sa akin

                ang pag-a-I love you mo

        Walang malisya yun dahil...

                kahit nakakakilig, nananatiling biro ang biro

                pinapakita mo lang ang iyong pagkamaginoo

                mahal mo ako dahil kaibigan mo ako

Walang malisya kaya di ko papansinin

Pero ang kaso, meron. tsk. Ang hirap balewalain

Spirito ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon