IV. LOXTING

132 9 8
                                    

LOXTING (LOve teXTING)

Ang hindi masabi nang harapan

Sa LOXTING ay idinadaan

Umaasang baka ang drama'y mapansin

Ng kaibigang manhid ang damdamin

Nagpapasa ng mga kotang-pangromansa

Na baka sakaling magbigay-himala

Sa pusong sabik na'y umaasa pa

Sa kaibigang palihim na sinisinta

Sa bawat mensaheng-elektronika

Isang hiling ang kapara

Na sana'y mapansin kahit konti

Ng kaibigang patagong minimithi

Di na baleng magmukhang parang pulubi

Di baleng nangangalabit-pengi

Di baleng lumalabas na nanglilimos

Di na baleng bansagang sa pansin ay kapos

Ang mahalaga'y nasasabi

Ang mahalaga'y hindi naisasantabi

Ang mga damdaming naiipon

Ang mga emosyong matagal na ikinakahon

Ang LOXTING ang piping pag-amin

Ng isang abang naghihintay na mahalin

Ng isang kaibigang walang alam

Sa tunay niyang nararamdaman

 ***

Pero sorry ka, friend

Di kasi tayo talo

Dahil

Lalaki rin

Ang gusto ko

Spirito ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon