PANGAKO
Sinasabi ko sa sarili ko
Magtitino na ako
Susunod ako
Tango ako nang tango
Na parang gagong aso
Para bang nagsasabi ako ng totoo
Na para bang alam ko ang sinasabi ko
Pero iba ang nasa isip ko —
Na kahit ipaalala mo
Na kahit ulit-ulitin mo
Na kahit literal na isaksak mo sa sintido ko
Wala paring magbabago —
Mangako at mangako man ako
At asahan mo
Na iyon at iyon din ay mapapako

BINABASA MO ANG
Spirito ng Kape
PoetryKalipunan ng mga tula at prosa na hinugot mula sa ulong lango sa spirito ng kapeng nilamig.