X. MADALAS SA MINSAN

91 6 1
                                    

MADALAS SA MINSAN

Minsan kapag napanghihinaan ako ng loob

        Madalas akong magmukmuk

        Madalas gusto kong mapag-isa

        Madalas akong mag-isa

        Madalas magmuni-muni

        Sa tabi-tabi

Minsan kapagnawawalan ako ng gana

        Madalas akong huminto

        Madalas kong itinitigil ang dapat gawin

        Madalas tulala ako

        Madalas ay nakatanaw ako sa malayo

Minsan kapag suko na ako

        Madalas na umaayaw na ako

        Madalas na hinidi ko na itinutuloy

        Madalas na iniiwan ko na lang

        Madalas na hindi ko na balikan pa

Minsan, mas madalas akong negatibo

Pero mas madalas sa minsan naman ang pagiging positibo ko

Gayunpaman

Minsan man ako sa madalas na

        Mapanghinaan ng loob

        Mawalan ng gana

        At sumuko

Mas madalas pa rin sa minsan na

        Magtiwala ako sa sarili ko

        Ibalik ang gana't kasiyahan ko

        At bumawi

Spirito ng KapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon