PAGTATAPAT
Sa pagtatapat —
Ang katotohanan ay
Nailalapat.
Paano kung sa
Bawat pagtatapat
Ay may
Isang susumbat...
Isang magtatanong...
Isang magwawalang-bahala...
Para saan pa ang
Pagtatapat
Kung may
Di pangsang-ayon na
Katapat?
Tama nga ang hinala —
Sa bawat pagtatapat
ay may
Kaakibat na
Sakit....
Galit...
Pait...
Gayunpaman
Ang bawat
Pagtatapat
Ay
Isang kalayaan...
Isang kasarinlan...
Isang pagtanggap sa ibinaong katauhan...

BINABASA MO ANG
Spirito ng Kape
ŞiirKalipunan ng mga tula at prosa na hinugot mula sa ulong lango sa spirito ng kapeng nilamig.