HINDI NILA NA-GETCH
Ang sabi ko,"Ma, tibo ako"
Sabay tawa
Natawa rin siya
Mas lalo akong natawa
Hindi nga nila na-getch –
Na sa bawat pagbibiro ko
Kalahati doon totoo
Ang sabi ko,"Tol, peram nga ng polo mo"
Sabay tinapik mo ang balikat ko
Tapos sabi mo,"Hiram ka na lang ng dress kay..."
Napailing na lang ako
Hindi nga nila na-getch –
Na iba ang gusto ko
Na iba ang panlasa ko sa mga "normal" na tao
Ang sabi ko, "Brod, di tayo talo"
Sabay tinapik kita sa balikat
Pero sinabayan niya rin iyon ng lakad
Bulong ko sa sarili ko, "Gago 'to ah."
Hay, dami-dami namang kasing iba
Bakit ako pa
Eh, alam naman niya
Hindi nga nila na-getch –
Na gusto ko ang kapwa ko
Kapawa ko kaseksto
Ang sabi ko,"Rian, mahal kita!"
Sabay sinampal mo ako sa mukha
Sabi mo, "Sinira mo ang pagkakaibigan natin!"
Sabay talikod mo
At sinabayan ko yun ng iyak
Hindi nga nila na-getch –
Na hindi kasarian ang ginagamit, hindi ari
Dahil sa pagmamahal, puso ang pinaiiral
They "get" my word
Yet
They don't "catch" what I really meant
No one "getch" me

BINABASA MO ANG
Spirito ng Kape
ŞiirKalipunan ng mga tula at prosa na hinugot mula sa ulong lango sa spirito ng kapeng nilamig.