WARNING : BOYXBOY STORY ITO kaya kung masyado kayong sensitive sa mga sumusunod na tema, itigil nyo na ito at mag iba na nang babasahin.
Sa mundong hindi lahat pwede mong gawin, hindi lahat naaayon sa gusto mo. Sa mundong hindi lahat ng tao ay bukas ang pag iisip sa mga bagay-bagay, sa mundong hindi lahat ng naka lagay sa bibliya ay nasusunod. Sa mundong gagamitin ang bibiliya para sa "ikaa-ayos" ng lahat. Sa mundong walang pag kakaintindihan, walang respeto sa isa't isa. Walang pag-kakaisa.
May dalawang taong parehas na kasarian pero nag mamahalan.
Isang, o dalawang taong nag kakaintindihan sa totoong nararamdaman ng isat-isa. Totoong alam ang ibig sabihin ng respeto sa bawat isat-isa. Na hindi lang gagamitin ang mga salita na naka paloob sa bibliya para ika angat nya' at maka panakit ng iba.
Dalawang taong kahit parehas ang kasarian ay hindi nag papanaig sa sinasabe ng iba, dahil sa pag-ibig.
------
CHAPTER 0 - STORY
"Josh! Gising na! Lintik na bata to' oh!" Si Cassandra kalaro ko. Nanay sya sa kunwari sa laro namin. Matagal na kaming mag kalaro dahil umuuwi sya dito tuwing bakasyon kasama sya lagi nila Anti Nelia. First name nya nga lang ang natatandaan ko eh, hehe.
Mas matanda sya ng limang taon sakin, dahil sixteen years old na sya. habang ako naman ay papalabas ng bahay bahayan namin ay dinala ko muna ang panyo ko sa likod na nalaglag sa aking likuran habang naglalaro kanina.
"O sige na, Nay!" At lumabas na ako sa tagpi-tagping kahoy na nagmistula naming bahay. Ansaya ko nanaman ngayong bakasyon kasi andito nanaman ang childhood friend ko, pero siguro hindi ngayon..
"Joshy, may ipapakilala ako sayo step-brother ko si john yung lagi kong kinu kwento ko sayo.. first time nyang bumisita dito sa lugar natin joshy. At dahil wala syang kalaro pa dito dinala ko na sya dito muna satin para may kalaro pa tayo hahaha. okay lang naman sayo yon no?" Sabay tinawag nya na sa loob ng bahay namin ang kanyang kapatid kuno, habang ako ay naupo muna sa bench sa bakuran namin at nilagay sa likod ang panyo. Sana naman wag masungit.
"Joshyyy!!!" Napatayo agad ako. Mas matangkad ng kaonti ang kapatid nya sakanya, hindi tuloy mukhang panganay si ate Cassandra hahaha. Napakagat nalang tuloy ako sa aking labi para hindi lumabas ang aking tawa.
"Daved, meet josh. Sya yung lagi kong kinu kwento sayo non sa vc?" Napatingin naman ngayon sakin ang kapatid ni ate Cass.
"I thought.." tinignan nya muna ang itsura ko pababa, na ilang tuloy ako sa suot ko at pinasadahan rin ang aking pananamit, okay naman ah? "babae ang kinukwento mo saken.. nevermind. Im John." Tinanggap ko ang pakikipag kamay at nailang sa tingin nya. Mabilis kodin binawi ang kamay ko.
"Ayan magka-kilala na kayo, joshy wag kang mailang thirteen lang to si john kaya hindi ka maiilang.." nginitian ako ni ate cassandra, agad kong may meaning yon kaya pinandilatan ko sya! Inaasar nanaman ako neto! Panigurado magaling tong mang asar ate pangalang nya magaling na ito pa kaya.
Hindi na ako nag tanong about sa famliy nila dahil magiging awkward. Wag nalang.
"Ayan dyan muna kayo sa loob ng bahay bahay josh hah, at mamamalengke muna ako." Unang pumasok ang kapatid nya sa Bahay bahayan namin at nag paiwan muna ako sa labas. At tumatawa na ngayon si ate cassandra kita mo!
"Ate naman eh! Isama mo nalang ako sayo mamalengke! "
"Mama mo ko josh! Hahaha pumasok kana don!"
"Inaasar mo nanaman ako eh! Porket alam mo na.."
"Oyy! Haha wala akong ginagawa hah, kung ano ano lang talaga iniisip mo. Haha" Sasagot pa sana ako kayalang tumakbo na sya, nakaka inis! Pumasok nalang ako sa loob ng kubo at nadatnan na nag cecellphone si jo-johny? Jerome? Diko matandaan basta j una non eh.
"Ano to? Bahay bahayan?" At nangingiti ang loko. Kakatapos lang ng isa' ito naman?!
Inirapan ko nalang sya at pumunta sa banyo. May isang bintana ang bahay bahayan ko, may isang pinto lang to at tabi non ang isang maliit na bintana kasya lang ang bangkuan. Hindi masyadong kaliitan siguro kasya limang bata dito. Isang kwarto at sa loob non ay banyo, may sala salahan at maliit na lababo. Yun lang. Sarado na lahat yun lang ang butas ang pinto at bintana sa tabi non.
Dapat hindi na talaga ako lumabas ngayon eh! Tinignan ko nalang sya at pinupuri ang ganda ng kahit saang anggulo ng mukha nya sa salamin na pinto ng CR na makikita mo ang nasa labas. Nakatapat ang inuupuan nyang kama nya sa CR kaya makikita mo kaagad ang ginagawa nya.
Naka upo sya habang nagseselpon sya nang tinignan ko sya at nangingiti- bigla syang napa tingin sa banda ko at nag katitigan kami agad akong umiwas at sumandal sa pinto. Ang bilis ng tibok ng puso ay tinakpan ng dalawang kamay. Shet! Narinig ko ang mahina nyang tawa sa labas! napa-pikit ako sa kagagahan ko!
Yun nalang din ang araw na nakita ko ang dalawang kaibigan ko at nakalaro.
------
Gusto kong baguhin ang pananaw ng mga tao ngayon. Well i guess, hindi ko mababago pero mapapa realize ko ang gusto kong sabihin.
Gusto kong gumawa ng kwento ng tungkol sa Dalawang kasarian na nagmamahalan. Hindi dahil sa ganon din ang kasarian ko kundi dahil na rin sa gusto kong malaman nyo at maramdaman nyo kung paano mag mahalan ang mag parehong kasarian, gusto kong malaman nyo kung anong nararamdaman nila pag nasasaktan sila. Kung paano sila nasasaktan sa loob ng kani kanilang tahanan at maging sa labas ng kanilang tahanan. Pero nakakayanan paring nilang ngumiti at humarap sa madaming taong hindi parin naniniwalang may karapatan silang mabuhay at mag mahal. Ang ilang naka ligay dito sa story na'to ay hindi maka totohanan. Uunahan kona kayo. Kaya nga naka lagay to sa Fiction diba. Enjoy!
PS : And ang bawat chapter sa story na 'to ay pwedeng pov ng lahat ng character sa story. Hindi lang sya pov nang isang character sa story, okay? Kaya kung hindi ka sanay sa ganoon, mag next story kana talaga :)
PPS : And thank you again sa suppprt :)