100D C-1

4.8K 50 1
                                    

Charlotte POV

"Mama, sino naman 'yang ipapakilala niyo sa akin?" tanong ko habang nagda-drive.

"Anak, malapit ka nang mawala sa kalendaryo, baka mag-sisi ka pag di mo siya sinipot," sabi ni Mama. Narinig ko si Papa na tumawa.

"Pa, Ma, alam niyo naman na wala sa isip ko ang mag-boyfriend." Naiinis na ako kay Mama.

 Marami na akong naka-blind date, siguro nasa singkwenta lalake na. 'Yung iba ay naging boyfriend ko at ang pinakamatagal kong relasyon ay umabot lang ng isang linggo. Iba ang pananaw ko sa mga lalake siguro dahil hindi ko nasulit ang kabataan ko lalo na yung High School Life. Sabi nila ang High School Life daw ang pinaka memorable sa lahat.

Sa tuwing mapag-uusapan yun ng mga ka opisina ko ay hindi ako makarelate. JS prom, first love, first crush, school heartthrob, contest, at kung ano pang tawag nila. I don't know. Nag-iisa kasi akong anak kaya bantay sarado sila Mama at Papa noong kabataan ko.

"Anak, sigurado na kami ni Papa mo sa ka-date mo ngayon," sabi ni mama.

"Pasensya kana, anak. Masyado ka naming pinaghigpitan nung bata ka pa kaya eto ka ngayon walang lovelife at boring ang life," segunda pa ni Papa, narinig kong parang tumawa siya.

"Ma! Pa! Sige na pupuntahan ko na, pero last na ito," sabi ko sabay putol ng tawag.

Paglapag ko ng cellphone ay napatingin ako sa relo ko. Alas-nuebe palang kaya may time pa para puntahan ang sinasabi nila Mama na ka-date ko daw. Ten in the morning ko daw imi-meet yung lalaki. Ala-una pa kasi ang pasok ko sa opisina. Flexible time ang pasok ko. Paborito kasi ako ni boss, dahil natatapos ko on time ang mga pinapagawa niya and competitive ako pagdating sa trabaho. Ako ang title holder ng best employee simula nang makapasok ako sa kompanya niya. 

Hindi ko pa rin napigilan ang dismaya kila Mama at Papa kaya hininto ko muna ang sasakyan sa tabi. Gusto ko munang magpalamig ng ulo. Sumasakit kasi ang ulo ko sa mga magulang ko. Lumabas ako ng sasakyan upang maglakad-lakad muna. Nahinto ako sa paglalakad ng may lata akong natapakan.

Dahil sa inis ko ay sinipa ko 'yon. "Bwisit na blind date na yan!" inis na sabi ko. Nakita kong tumama ang lata sa salamin ng isang Antique Shop.

"Oh! My goodness!" sabi ko at pinuntahan ang antique shop. Nakita ko ang matandang babaeng lumabas at kinuha nito ang lata.

"Walang hiyang latang 'to! Sinira pa ang salamin ng shop ko," inis niyang sambit at nagpameywang.

"Lola, ako po 'yong dahilan kaya nasira 'yang salamin," pag-aamin ko. Nahihiya ako kay Lola.

"Ikaw ba?" tanong niya. Inayos niya ang salamin at seryoso akong tinitigan.

Tumango ako. "Yes po, Lola." 

"Bayaran mo 'yang salamin, aba'y wala akong perang pampagawa niyan. Lalo na ngayon na mahina ang mga customer," sabi niya sabay upo sa tumba-tumbang upuan na katabi ng pinto ng Antique Shop.

Kinuha ko ang wallet at dumukut ng pera. Inabot ko ang Five Thousand cash kay Lola. Napatingin sa loob ng Shop at tinignan ang mga paninda. Ang daming gamit na sobrang luma, panahon pa yata ito ni kopong-kopong. Mga libro, baso, pinggan, banga na mukang may multo sa loob at ang lumang orasan na halos dalawang minuto kong tinitigan.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Ineng, sobra itong binigay mo," sabi niya sabay sunod sa akin. Napansin niya lumapit ako sa lumang orasan.

"Okay lang 'yan, Lola, pang majong niyo na lang po ang iba o kaya pambili niyo po ng tabako," sabi ko habang nakatingin sa orasan.

"Wala din preno yang bibig mo, Ineng," aniya sabay tawa.

Nilingon ko si Lola. "Lola, ang ganda nitong orasan."

" 'Yan ba? Matagal na 'yan sa akin. Binigay sa akin 'yan ng foreigner na mag-asawa. Ibabalik ko sana kasi mukang malaki ang halaga baka kasi pag-bintangan ako na ninakaw ko. Kaso bigla na lang silang umalis."

Tumango lang ako at binalik ko ang tingin sa orasan.

"Sabi din ng mag-asawa pwede ka daw mag-wish sa orasan kung may gusto ka daw ibalik na panahon. Bibigyan ka daw ng Isang daang araw para gawin ang mga gusto mong gawin dati."

"Talaga lola? Nag-wish ka?"

"Oo, nagwish ako pero wala naman nangyari." Napansin niya na hindi pa rin maalis ang tingin ko sa orasan. "Ineng, tutal sobra itong binigay mo, ibibigay ko na lang 'yang orasan sayo," sabi niya ulit at ngumiti.

"Sige, Lola," nakangiting sagot ko. Parang na hypnotize ako ng orasan, pagkatapos ng ilang minutong usapan namin ni Lola ay bumalik na ako sa sasakyan dala ang orasan. Nasa driver seat na ako ay hawak-hawak ko pa rin ang orasan.

Bigla akong na-excite nang maalala ang sinabi ni Lola. "Wish," sabi ko. Pumikit ako habang nakaharap sa orasan. Medyo mabigat kaya hinawakan ko ng mahigpit.

"Sana bumalik ako sa nakaraan," mahinang sabi ko biglang sumagi sa isip ko ang high school days ko. "Sana bumalik ako sa high school days ko." 

One...Two...Three...Four...Five... 

Limang segundo akong nakapikit, walang nagyari kaya dumilat ako. Tinignan ko ang orasan bigla nalang itong umikot ng mabilis. Nakita kong parang lumulutang na ako kasama ang mga numero. Pagkatapos ay may liwanag na papalapit, napapikit nalang ako dahil sa sinag at sumigaw ng pagkalakas-lakas.

"AHH!"


----------------





100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon