Prologue

2K 39 0
                                    

"Isang bulaklak mula sa babae, muli kang mabubuhay." 'yon pala ang kailangan para mabuhay muli, isang bulaklak mula sa babae, pero..

"What? Walang nakaka-alala sa'kin eh! Sino naman ang mag bibigay ng bulaklak sa'kin at mula pa sa babae!" Yan ang problema.

Walang nakakakilala sa akin nung namatay ako nung nakaraang taon, naglayas kasi ako, sa kasamaang palad naaksidente ako at namatay. How unfortunate.

"'Yun lamang ang tiyansang kaya kong ibigay sa'yo, kung ayaw mo pa.. wala kang ibang pagpipilian kundi ang sumama sa liwanag." Ang kausap ko nga pala ngayon ay ang taong nag-lilinis ng sementeryo.

Hindi siya ordinaryong tao na tagalinis ng mga puntod, siya ang gumagabay sa mga kaluluwang nananatili sa sementeryong ito 'gaya ko.

Napabuntong hininga nalang ako dahil wala na talaga akong choice, mag hihintay ako.

"Kapag ba nabuhay akong muli, pwede ulit akong mamatay?"

"Oo dahil konektado ang buhay mo at nung babaeng nag-lagay ng bulaklak sa iyong puntod. Mabubuhay ka muli bilang tao, at sa pangalawang buhay na iyon ay kailangan mo nang maitama ang mga mali, maisaayos ang mga pangyayari, at higit sa lahat kailangan mong mapanatiling buhay ang babaeng nagbigay sayo ng bulaklak dahil sa oras na mamatay siya mababalewala lahat ng mga pinag-hirapan mo." 

###

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon