Chase 4

444 10 0
                                    

Mij

"I'm sorry. Hindi ko muna dapat sinabi sayo.." nag-aalalang sabi ko kay Rhoa.

Kung hindi ko pa sinabing sasayaw na kami ay hindi pa siya matatauhan kanina.

"It's ok, mabuti sinabi mo agad sa akin ang nakita mo. Thanks." Mapait nitong wika. Halatang nasaktan sya sa sinabi niya..

Hindi ko na lang siya sinagot pa at inalalayan na lang papunta sa stage.

Pumusisiyon na kami at nagsimula na ang kanta.

Nagsimula na din siyang gumalaw at sinasabayan ang ritmo. Nakapikit siya habang nagsasayaw..

Hindi na ako magtataka na mamaya ay iiyak na siya..

Nasasaktan ako para sa kaniya, matagal na naming alam na niloloko siya ng boyfriend niya. Naghahanap lang kami ng tamang tiyempo para sabihin sa kaniya.

Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko kanina at sana bi ko sa kaniya ang tungkol doon.

Kating-kati na ang kamao ko ngayong sapakin ang lalaking 'yon! Kung maaari lang na huwag na lang malaman ni Rhoa na may iba pa siyang babae ay hindi na namin sasabihin sa kaniya para hindi na siya masaktan.

Gaya nga ng inaasahan ko, natapos ang sayaw namin na umiiyak si Rhoa.

Nasa likod kami ng stage ngayon, hindi ako makalapit kay Rhoa dahil pakiramdam ko ay kasalanan ko kung bakit siya umiiyak ngayon.

"Rhoa what happened!" Sigaw ni Millary.

Napatingin naman kami sa gawi nya at doon ko napansin ang lalaking titig na titig kay Rhoa. Tatalikod na sana ito pero napansin din siya ni Rhoa.

"Y-you.." sabi niya sa garalgal na boses.

"You know him?" Tanong ni Jin

"Y-yes. Saglit lang Jin.." sabi nito.

Habang naglalakad papalapit sa lalaki ay palihim nitong pinupunasan ang luha.

Gusto kong pigilan si Rhoa sa paglapit sa lalaking yon pero may pumipigil din sa akin at sinasabing manood lang.

Alam kong hindi pa sya ok, pero mabilis na napalitan ang emosyon niya nung makita niya ang lalaki.

"What are you doing here?" Pilit ang sigla sa tono ng tanong ni Rhoa sa lalaki, nagulat ito sa tanong niya kaya.. "S-sorry, I mean hindi ko akalaing magkikita tayo muli.." siguro ay mali ang pagkakaintindi nito sa tanong ni Rhoa.

"Uh, napadaan lang ako. May nagbigay kasi ng fliers sa akin." Tumango tango na lang siya.

Saglit na nagkaroon ng katahimikan bago muling nagsalita si Rhoa.

"Ipakikilala kita sa mga kaibigan ko, hindi pa kita nakekwento sa kanila." Halata ang pagaalinlangan sa lalaki na sumunod kay Rhoa pero wala itong nagawa at sumunod din.

"U-uhm.. guys, meet...." saglit itong natigilan. "..him..." akala ko ay sasabihin niya ang pangalan ng lalaki.

Chasing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon